"Kai." Tawag ni Doctor Azazel habang nakatalikod kay Kai. "Po?" ani Kai. "Mag bihis ka na at may pupuntahan tayo." Utos ni Doctor Azazel habang nakangiti. Nilapag ni Doctor Azazel ang papel at walkie talkie sa lamesa. Tinanggal na rin ni Doctor Azazel ang lab coat niya at sinabit ito sa gilid ng pintuan. Bago lumabas si Doctor Azazel sa pinto humarap muna siya kay Kai at ngumiti, wala naman itong kasunod na sinabi pero nakikita ni Kai kung gaano kamahal ni Doctor Azazel ang trabaho niya. Sumunod si Kai kay Doctor Azazel palabas ng kwarto nila hanggang sa labas ng Cordial College. "Doc-" Hawak ni Kai sa bibig niya. "Professor Azazel, saan po ba tayo pupunta?" tanong ni Kai bago sila sumakay ng kotse. "Sa dagat," sagot ni Doctor Azazel pagpasok nila sa kotse. "Titingnan natin kung ano

