Kinabukasan pagtapos ni Kai sa mga klase niya lumabas siya kaagad ng Cordial College pero wala pa si Doctor Azazel, kaya tumayo muna siya sa tapat habang naglalabasan pa ang mga ibang estudyante. Ilang minuto rin siyang naghintay pero wala pa rin si Doctor Azazel hanggang sa makita siya ni Ari at lumapit ito kay Kai. "May inaantay ka?" Tingin ni Ari sa magkabilang side ng kalsada. "Si Professor Azazel lang," sagot ni Kai. "May pupuntahan kayo?" Hawak ng mahigpit ni Ari sa handy bag niya. "Oo, binigay na kasi sa amin kung saan kami gagawa ng solusyon." Lingon ni Kai sa kanan niya ng marinig niya ang sasakyan na papalapit sa pwesto nila. "Ito na ata si Doctor Azazel." Turo niya sa sasakyan na huminto sa tapat nila. "Mag-iingat kayo," sabi ni Ari pagkalingon niya sa upuan ng driver dah

