Kinalaunan umuwi na ang mga tao bago pa tuluyang mag gabi, kaya tinapos na rin nila ang pagtatanong. Hinanap ni Doctor Azazel si Kai at nakita niya ito sa malayo na nakatayo lang habang humahampas ang maliit na alon sa paa. Lumapit si Doctor Azazel pero hindi niya ito tinawag, pinagmasdan niya lang si Kai kung saan nakatingin habang lumalapit siya ng tuluyan sa pwesto ni Kai. Sinundan niya kung saan nakatingin si Kai pero parang malabong sabihin kung saan ito talaga nakatingin, kaya kinalabit niya na lang ito at tinanong. "Kai?" Lingon ni Doctor Azazel kung saan nakatingin si Kai matapos nitong makuha ang atensyon ni Kai. "Saan ka ba nakatingin?" Balik ng tingin ni Doctor Azazel kay Kai. "Hindi ko malaman, masyadong malayo," biro ni Doctor Azazel. "Ahmm," ani Kai na parang ayaw niyang sa

