Kinaumagahan, umalis na kaagad sila pero hindi pa kumakain si Kai. Nahalata ito ni Doctor Azazel dahil nakita niyang matamlay at inaantok pa si Kai pagkapasok nito sa kotse ni Doctor Azazel. "Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Tinapakan na ni Doctor Azazel ang gas pedal ng sasakyan at umalis na sila sa tapat ng Dorm of Cordial. "Gusto ko po sanang i-deny sa inyo pero mukhang nahalata niyo na po." Tumawang na o-awkward-an si Kai habang pinapalo ng mahina ang batok at nakapikit. Natawa rin si Doctor Azazel ng konti dahil napakatapat na bata ni Kai. "Wala namang problema kung nagpuyat ka kagabi dahil alam kong may magandang rason ka rin." Lumingon ng mabilis si Doctor Azazel kay Kai at nginitian. "Tsaka isa pa, wala ka namang klase ngayong araw." Kabig pakanan ni Doctor Azazel sa man

