Nakuha ni Kai ang lahat ng atensyon sa loob ng restaurant dahil sa pagsigaw niya pero agad namang nalipat ito kay Doctor Azazel dahil tumawa ng malakas si Doctor Azazel na parang isang boss ng kumpanya. Nagtaka si Kai at inangat niya ang ulo pero nakayuko pa rin ang katawan. Titingnan niya sana si Doctor Azazel pero mas napansin niya ang mga tao sa paligid na nakatingin sa kanila. Hindi na lang pinansin ni Kai ang mga tao dahil alam niyang panandalian lang naman ito at babalik rin ang mga tao sa kanilang ginagawa. Ang problema lang ay hindi pa rin matigil ang tawa ni Doctor Azazel. Hindi naman ni Kai mapatigil si Doctor Azazel dahil ayaw niyang sabihan ito pero maya-maya rin naman ay tumahimik na si Doctor Azazel. "Bakit kailangan mo pang mag-isip ng bago?" ani Doctor Azazel. "Eh maganda

