Chapter 20

1400 Words

"Hindi ko na tinatanong kung ano ang mga ginagawa nila sa mga libreng oras nila dahil alam ko naman na nagliliwaliw lang sila," tuloy ni Kai sa pagkukwento. Nag-iba ang tono ng pananalita ni Kai pero hindi naman bago ang ganun kay Doctor Azazel, kaya hindi ganun kalaki ang binigay ni niyang ekspresyon kay Kai. "Pero dahil ayaw kong maging masama ang impresyon nila sa akin at ayaw ko rin na ikunsinte ang ginagawa nila." Kinuha naman ni Kai ang gawa ni Doctor Azazel at tinaas niya para makita ng diretso ni Doctor Azazel. "Kaya ang ginawa ko po, kinopyo ko na lang ang mga nakasulat sa libro na parang ganito po ang itsura, katulad ng gawa niyo." Bumalik ang tono ng pananalita ni Kai kay Doctor Azazel kung saan hindi na nakukuhang gumamit ng opo at po si Kai. "Pero!" Lapag ni Kai sa lamesa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD