Hindi naman sumagot kaagad si Doctor Azazel at nakasimangot pa rin ito, kaya inakala ni Kai na sinaktan talaga si Doctor Azazel ng mga taong umaabuso sa kanila noon. Ilang saglit lang ay onti-onting ngumiti si Doctor Azazel at tumingin ng diretso kay Kai. "Hindi, kasi dumating si Pool para pigilan sila." "So ano po ang ibig sabihin non?" Lapit ni Kai sa pag-upo. "Magkaibigan po kayo?" Napalunok si Doctor Azazel pero para hindi mahalata ni Kai na nabigla siya, ininom na lang ni Doctor Azazel ang lahat ng tubig sa baso. "Bakit po?" nabigla sabi ni Kai dahil halata pa rin naman kay Doctor Azazel na nabigla siya sa tinanong ni Kai kahit pa gusto niya itong iwasan. "Wala, wala." Ngiting kinakabahan ni Doctor Azazel. "Anyway, tinanong ko si Pool noon kung bakit pinabayaan niya ng konti an

