"Sa 'yo ang isa diyan, pakiabot na lang sa akin ng isa." Binunot muna ni Doctor Azazel ang susi ng sasakyan pagkapatay niya ng makina nito. "Magsusuot po ba talaga tayo nito?" Labas ni Kai ng malaking size at inabot kay Doctor Azazel. "Ayaw mo naman siguro magkasakit, 'di ba?" Kuha ni Doctor Azazel sa inabot sa kanya ni Kai. "Bago tayo pumunta dito inihanda ko na ang bagay na 'yan sa bahay dahil nabalitaan ko na ganito nga ang meron sa south side," paliwanag ni Doctor Azazel. "Paano niyo naman po na sigurado?" tanong ni Kai habang sinusuot na ang full body medical suit. "Nag-search din ako sa internet kung totoo ba ang nabalitaan ko sa iba at totoo nga dahil may mga makikita kang picture sa bawat article," sagot ni Doctor Azazel habang sinusuot na rin ang sa kanya. "Bakit po hindi na

