"Pinalitan niyo po ba ng UV light ang ilaw dito sa itaas ng sasakyan niyo?" Hawak ni Kai sa ilaw na nasa taas ng sasakyan habang may usok pa na umaangat. "Oo," sagot ni Doctor Azazel. "Ang dami niyo po sigurong ginawa kagabi, mabuti po nakatulog pa kayo ng maayos?" Upo na ni Kai ng maayos sa upuan. "Actually nag kape lang ako pagkagising ko, kaya gising na gising ako ngayon." Harang ni Doctor Azazel ng kamay niya sa usok para makita niya si Kai pero agad niya ring tinanggal dahil kailangan niya mag-focus sa pag-da-drive. Sa kalagitnaan ng byahe nila papunta sa North Side Beach of Cordial, onti-onti nang nawawala ang usok sa ginawa ni Doctor Azazel na fumigation. Sa ngayon makakapag-usap na sila ng maayos ni Kai dahil wala ng nakaharang. "Ano nga pala ang mga naisip mo sa south side, p

