Sabay nilang tinanggal ang lahat ng suot nila sa ulo at humarap sa isa't isa. "Ilagay mo kaagad sa bag ang lahat ng suot natin at ako na ang bahala sa pag-sa-sanitize ng buong sasakyan." Utos ni Doctor Azazel kay Kai at tsaka tinuloy ang paghuhubad ng medical suit. "Opo." Naghubad na rin si Kai ng suot at pagkatapos nila, kinuha na ni Kai ang bag at nilagay sa loob ang ginamit niyang suot. Pagkatapos naman ni Doctor Azazel hubadin ang sa kanya binigay na nito kay Kai at pinagkasya naman ni Kai ang dalawang medical suit sa bag habang ginawa ni Doctor Azazel ang pag-sa-sanitize sa loob ng sasakyan. "Sa aircon po ba lalabas ang pang sanitize niyo sa sasakyan?" tanong ni Kai habang inaayos pa rin ang ginamit nilang damit sa loob ng bag. "Hindi, meron akong ginawa dito sa sasakyan ko." B

