Chapter 26

1193 Words

"Kai." Tawag ni Doctor Azazel kay Kai habang nakaturo sa labas. "Mamili ka na kung saan mo gusto kumain." Pagkatingin ni Kai agad rin siyang tumingin sa labas kung saan nakaturo si Doctor Azazel. "Sigurado po ba kayong ako ang pinapapili niyo?" Pili ni Kai sa mga restaurant na nasa labas. Binabagalan ni Doctor Azazel ang takbo ng sasakyan, hindi lang dahil namimili si Kai dahil din sa dami ng tao na dumadalaw lagi sa north side. "Sabihin mo sa 'kin pagnakapili ka na," ani Doctor Azazel. "Sobrang dami po ba talaga ng tao dito lagi?" Tingin ni Kai sa mga naka-summer outfit, lalaki man o babae. "Ang sabi, nung nasira na ang south side dahil sa mga basura, lahat ng tao na bumibisita sa south side lumipat sa north side dahil sa mga masasarap na itinitinda dito." Lingon din ni Doctor Azazel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD