Para bang na buksan ang isipan ni Doctor Azazel sa sinabi ni Kai. "Ang ibig mo bang sabihin iiwan na lang natin itong north side na ganito?" Tusok ni Doctor Azazel ng chopstick sa kinakain niya. "Hindi po," sagot ni Kai. "Aasikasuhin pa rin po natin sila pero ihuhuli lang po natin sila dahil ang tanging naiisip ko lang po dito sa lugar na ito ay bawasan ang mga tao na dumadalaw at magagawa lang po natin 'yon kung magustuhan nila ang ibang tabing dagat na pinuntahan natin." Inom ni Kai sa iced tea na binili niya pero diretso pa rin ang tingin kay Doctor Azazel Tinuloy ni Doctor Azazel ang pag kain niya pero habang kumakain matagal niyang pinag-isipan ang sinabi ni Kai hanggang sa hindi na namalayan ni Doctor Azazel na ubos na pala ang pagkain niya. Sinimot muna ni Doctor Azazel ang mga ka

