Pinaliwanag kaagad ni Kai ang sinasabi niyang panglahatan na plano pero masyado siyang magulo magsalita dahil sa nasasabik siya sa mga nangyayari. "Tigil mo muna kaya ang pagsasalita." Tapat ni Doctor Azazel ng palad niya kay Kai habang awkward na nakangiti. "Hindi niyo po nagustuhan?" malungkot na sabi ni Kai. "Hindi naman sa ganun. Tingin ko maipapaliwanag mo pa sa akin ng maayos kung mag-re-relax ka muna." Balik ni Doctor Azazel ng kamay niya sa manibela. "Pasensya na po." Yuko ng ulo ni Kai. Napansin ito ni Doctor Azazel, kaya inalis niya ulit ang isa niyang kamay sa manibela at inangat ang ulo ni Kai. "Hindi mo kailangan magmadali kung iniisip mong pauwi na tayo, pwede mong ituloy bukas." Balik na ulit ni Doctor Azazel ng manibela pagkatapos na maangat ang ulo ni Kai. "Sige po,"

