Pumasok si Kai at si Doctor Azazel sa conference room ng goverment kasama si Mr. Pool. Nakababa lang ang tingin ni Kai hanggang mapunta sila sa harapan dahil nahihiya siyang tumingin sa mga taong may position sa gobyerno. May mga tao rin na kasama sa loob na hindi naman kawani ng gobyerno pero mayaman. Tinawagan din kasi ni Mr. Pool, hindi lang ang kilala niya sa gobyerno, sinama rin nito ang mga kilala niyang mayaman na alam niyang magkakainteres sa proyekto na tutukuyin nila Kai at Doctor Azazel ngayong araw. Ginabayan ni Mr. Pool sila Kai sa pagpapaliwanag ng proyekto nila sa mga makapangyarihan na tao sa Cordial City. Pinakilala muna ni Mr. Pool ang dalawa kung ano ba ang mga nagawa ni Doctor Azazel at Kai bago sila tumuloy sa ninanais nilang gawin. Gusto kasi ni Mr. Pool na magkatiwal

