Kalahating oras din sila nag-usap ni Doctor Azazel at tuwang tuwa naman ang dalawa dahil nagkakasundo sila sa kahit na ano kahit hindi pa naman oras ng trabaho nila dahil mamaya pa ito pagkatapos ng mga klase ni Kai. Nakangiting tumayo si Kai sa upuan niya at nagpaalam na muna kay Doctor Azazel. "Salamat po pero mamaya na lang po ulit." Lapit ng isang kamay ni Kai kay Doctor Azazel para makipag kamay. "Sige na, sige na." Tayo rin ni Doctor Azazel sa upuan niya. "Maraming salamat din Kai." Inabot niya ang kamay ni Kai at nakipag kamay dito. Nagtataka si Kai kung bakit nararamdaman niya parang ngayon na lang ulit ata nakipag-usap si Doctor Azazel sa ibang tao. "Bakit po?" Nakatingin sa baba si Doctor Azazel habang inaayos ang salamin bago sumagot. "Wala," tanggi ni Doctor Azazel. "Yu

