Naubos ang oras sa taas ng malaking blackboard, kasabay naman nito ang pagtunog ng bell na bandang likuran ng kwarto at nilabas na rin ng lamesa ang mga I.D ng mga estudyante na may nakasulat na kung saan o anong oras ang susunod nilang klase. Napabilib si Kai kay Professor Azazel dahil sa pagtuturo niya, hindi ito basta nagtuturo lang dahil nakikipagkwentuhan rin ito sa kanila na may tungkol rin naman sa pinag-aaralan pero kahit na nakikipagkwentuhan ito sakto pa rin ang tapos ng pagtuturo niya sa binigay sa kanilang oras na nasa taas. Ang iba kasing guro ay naabutan talaga ng kanilang oras, kaya minsan tinuturo pa nila ulit sa susunod nilang araw na may klase. Tumayo ang lahat maliban kay Kai at lumabas na ng kwarto habang nag-aayos naman si Professor Azazel ng bag niya dahil maya-maya a

