Continuation... Nang makarating kami ay nandoon na rin sa labas ng bahay nila ang kotse ni Daddy. Sila pa ata ang nauna dahil lumalandi pa 'tong si Bryle kaya hindi mabilis ang pag-drive niya. Doon na ako kinabahan. Nanlalamig na ang kamay ko dahil aaminin na namin ngayon. Marami ring nilagay na palamuti sa pasko ang labas ng bahay nila. Ako ang naunang pumasok, nakasunod lang siya sa 'kin na nakapamulsa. Naka-red t-shirt din siya. "You look beautiful in red," hirit niya sa likod ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nginitian niya lang ako kaya sumingkit na naman ang mga mata niya. He really knows how to melt me effortlessly. Namangha ako pagkapasok dahil sa kumikinang na Christmas lights at mga parol na nakapalibot, pati na rin ang Christmas tree na may mga naka-wrap na gifts. Nandoon

