Prologue
"B-Bryle, is it true? 'Yung sinabi ni L-loyd, I-Is it true? I want t-to believe him, p-pero gusto kong marinig mula sa 'yo. Dahil papaniwalaan ko ang mga salitang nagmumula sa bibig mo, alam mo 'yan," wika ko habang nakatitig pa rin sa kaniya. Masaganang bumuhos nang sunod-sunod ang luha sa aking mga mata habang tinitigan siyang nag-iwas ng tingin at umiigting ang panga.
Hindi siya nakasagot agad. I don't wanna think that silence means yes pero parang gano'n ang hatid nito. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa panginginig nito. I could hear the pieces of my heart cracking inside my chest upon excruciatingly thinking about everything.
He sighed heavily before staring back at me. Though his eyes are now swollen, hindi ko pa rin maiwasang hangaan ang magaganda niyang mga mata. Ang mga mata niyang naging dahilan kung bakit minahal ko siya agad. His manipulative eyes that can make me turned into a different person living in another dimension whenever he looks at me.
Kasiyahan ang nadarama ko sa tuwing nagkatitigan kami, pero dati 'yon, iba ngayon. Kalungkutan ang nadarama ko, para bang hinihigop ako ng malulungkot niyang mga mata dahilan para mahawa ako.
"Y-Yes," tipid niyang sagot dahilan para mas lalong madurog ang puso ko.
Kanina pa nanghihina ang mga tuhod ko, pero para yatang malakas pa rin ako kahit nasasaktan dahil nanatili pa rin ako sa kinatatayuan at taas-noong nakatitig sa kaniya. But that's just physically, because you know what I'm really feeling inside? I'm dying, I don't know how to pick these broken pieces of my heart. I don't know how to stand up again after crawling on the ground of dying hopes where there is low chance for the both of us.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa luhang nagbabadya na naman. Napatitig ako sa araw na papalubog na, hudyat na matatapos na ang pagpapakita ng araw sa araw na ito. Parang kami, hindi ko alam kung hanggang dito na lang ba kami, hindi ko alam kung matatapos na ba ang lahat ng 'to.
"Do you really love your passion?" tanong ko rito, napahilamos ito sa kaniyang mukha na animo'y hindi alam ang gagawin o isasagot sa tanong ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang napakahigpit, ang mga kamay kong animo'y may mga isip, niyakap ko rin siya pabalik nang napakahigpit na parang ayaw ko nang humiwalay pa. I want us to stay like this forever. Umiiyak na ako ngayon sa kaniyang dibdib.
"Yes, I love my passion, but I love you too, love..." nanghihina niyang saad.
"I want you to choose, your love for me or your love for your passion? I will be prepared," nanghihina kong tanong.
"I-"
I woke up from a deep sleep when I dreamt something real. I was sweating bullets while catching for my breaths.
Ilang minuto lang ang nakalilipas nang mapagtanto kong totoo pala 'yon. It happened yesterday. It was all real, those tears of ours that we shared, and our tight hugs like there will be no tomorrows waiting for us together. Hindi ko namalayang kanina pa pala tumulo ang luha sa aking mga mata... o sa pagtulog pa pala habang napapanaginipan ko 'yon.
Maybe my love will comeback someday...
Napatingin ako sa study table ko dahil doon nagmumula ang tunog. Tumayo ako at tiningnan kung sino ang tumatawag. I'm hoping that it's him. Pero nang sinuri ko 'yon ay napabagsak ang balikat ko nang makitang si Llyod 'yon. Walang gana ko itong sinagot.
"Hello?" I spoke on the other line.
"Via..."
"Bakit, Lloyd?" nagtataka kong tanong dahil parang malungkot ang kaniyang boses. Ngunit sa kabila ng pagtataka sa aking boses, narito sa puso ko ang pagde-deny sa dahilan ng kaniyang pagtawag.
"Nakaalis na siya patungong Spain."
Naibagsak ko ang cellphone ko sa sahig, dahilan para lumikha ito ng ingay. Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina ng aking tuhod. Kasabay no'n ay ang pagbagsakan na naman ng luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko, namamanhid ang buo kong katawan sa isiping wala nang kasiguraduhan pa ang lahat.
When will I see you again, my love?