Chapter 1

3746 Words
Via Elianna Let me be the one to break it up, 'cause I don't want to make excuses. We don't need to find a set-up where someone wins and someone loses... Biglang namulat ang mga mata ko dahil sa kantang parang nanunuot pa sa tenga ko. Napalingon ako sa right side ko at...teka, parang dito nagmumula ang kanta. Gano'n nalang ang pagkasimangot ko nang marinig kong bumulalas ng tawa ang dalawa kong kapatid na babae. "Ayan! Nagising ka na! Tulog mantika talaga 'tong babaeng 'to." Narinig kong tawa at sabi ng nakatatanda kong kapatid na si Astrid, habang idiniin pa sa tenga ko ang malaking speaker na ang lakas-lakas ng volume. Tinapik ko naman ito at lalong sumimangot. "Laughtrip mukha ni ate Via, 'di ba, Ate? Nakakasunog 'yong salubong niyang mga kilay! Oh my God, tara na, Ate, at baka matusta tayo nito!" kunyaring takot pang wika ng bunso namin na si Akemi. Bwiset! "Mga leche kayo! Bakit niyo ba ako ginising ha?! Kay aga-aga nambubulabog kayo!" inis kong sigaw sa kanila. Sabay naman silang nakapaweng at pinandilatan ako ng mata, dahilan para mas lalong kumunot ang noo ko. "Ah, baka 'di mo alam na first novena mass ngayon para sa fiesta, 'di ba? Ah oo, baka nga 'di mo rin alam na alas sais y media ang misa, 'di ba? At alas sais na ngayon," sabi ni Astrid dahilan para manlaki ang mga mata ko dahil na-realize kong nakabihis na silang dalawa. "Tara na nga, Ate! Iiwan na natin 'yan, hindi naman cute 'yan para hintayin eh, at masamang pinaghihintay ang mga cute niyang kapatid! Hoy, ateng pangit, dalian mo na riyan! Nando'n na nga sila mommy sa simbahan kanina pa!" mahabang sunod-sunod na sigaw ni Akemi. Halos liparin ko na ang pagpunta sa banyo dahil alas sais na pala talaga. Nagkukumahog ako sa paghahanda. Dali-dali akong naligo at halos hindi ko na masuklayan pa ang magulo at basang buhok dahil sa pagmamadali. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagpuyat pa ako kagabi? s**t talaga! "Hoy, mga pangit kong kapatid, hintayin n'yo 'ko!" sigaw ko sa kanila, hoping na hihintayin pa rin nila ako. Gosh! Akala ko talaga hindi pa novena mass ngayon kaya babad ako sa pagbabasa ng libro kagabi! Lintek na isang chapter 'yan, aabutin pala ng singkwenta. "Nandito na dalawa mong kaibigan, magsabay nalang kayo! Mauna na kami!" Narinig kong sigaw ni Astrid kaya nakahinga ako nang maluwag dahil may kasabay naman pala ako. Hindi ko tinatawag na Ate si Astrid dahil isang taon lang naman ang pagitan ng edad namin at ayos lang din sa kaniya na hindi ko siya tinatawag na Ate. She's 18 while I am 17. Si Akemi naman ay siyang bunso na 14 pa lang. Astrid's already in her 12th grade, ako naman ay si Grade 11. Samantalang si Akemi ay grade 8 pa pero napakarami nang crushes, my goodness! Si Astrid naman ay pansin kong mailap sa mga lalaki. Samantalang ako, I'm enjoying my single life with paminsan-minsan na crush na usually, pinagsasawaan ko agad. Kapansin-pansin sa aming tatlo na ako lang ang naiiba ng mukha sa kanila. Pareho silang singkit, ako bilugan ang mga mata na naaayon naman sa makapal na kilay. Well, pare-pareho naman kaming maputi, mata lang talaga siguro ang naiiba sa amin. Nagmana kasi sila sa Daddy namin, may dugong chinese kasi ang lolo ni Dad. Baka nga kay Mommy ako nagmana, kahit papaano bilugan din naman ang mga mata niya. I'm the middle child of the family. Ang sabi-sabi nila, malas daw kapag ikaw ang middle child sa pamilya dahil walang may paborito sa 'yo but in my case, I'm not. Our parents love and care for us fairly. Paborito nila kaming tatlo nang pantay-pantay. Siguro, naka-depende lang talaga sa mga magulang na kinagisnan dahil may ibang may specific na paborito talaga sa magkakapatid. Well, maybe that's the reason why I grow up mentally and emotionally healthy because it always starts in the family. What shapes each one of us is the way our parents shape us. Ang nagiging problema ko lang talaga ay ang pagtiisan ang kakalugan ng mga kapatid ko. Kalog na kasi ako kaya napaka-stressful na may dalawa pang kalog sa buhay ko! I don't really know how our parents cope up to raise us who are all kalog. Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa magkakasunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Mas lalo kong binilisan ang paggalaw dahil natulala pa kasi ako sa ganda ko sa salamin. Totoo naman talaga! Pero hindi ito ang tamang oras. Hindi ko lang talaga maiwasan. "Via Elianna! Jusko kang babae ka, ang tagal mo naman!" Isang maong na jeans at black t-shirt ang nakita ko agad sa closet ko kaya ito ang minadali kong isuot dahil sa sigaw ng kaibigan kong si Liza. Pinatuyo ko ng blower ang buhok ko at agad na itinali ito. Ganito talaga ako, ako palagi ang late sa tuwing may simba. Magdusa na lang sila sa paghihintay. "Ito na!" sigaw ko at binuksan ang pinto. Agad nila akong hinila, dahilan para magpatianod nalang ako. "Teka lang, kuha muna ako ng bread!" pagpigil ko sa kanila dahil tuloy-tuloy lang nila akong hinila. Napahinto naman sila at tumitig sa aking nagmamadaling kumuha ng bread. Nilamon ko ito nang buo at saka uminom ng tubig. Wala na akong oras kumain ng breakfast dahil malapit nang mag-umpisa ang misa. "Dalian mo, magsisimula na. Kanina pa tumutunog ang kampana," parang naiinis nang saad ni Avyara, dahilan para sumunod na ako sa kanilang maglakad. Si Avyara 'yong tipong kapag tonong naiinis na ang boses ay mapasusunod talaga ako o kami. Moody kasi siya, eh. Minsan hindi ko alam kung masaya o galit ba siya. Walking distance lang ang simbahan dito sa amin kaya nilakad lang namin ito. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon dito sa isa sa mga main road ng Sitio De Alta, isa sa sampung Sitio dito sa aming Baranggay, dito sa City of Santa Dalia. Sariwang hangin agad ang sumalubong sa amin, hanging probinsiya. This is really what I like in my hometown, ang sariwang hangin dahil napakaraming puno rito. Agad akong tumabi kay Liza dahil nakakatakot ang aura ni Avy ngayon. "Liz, napaka-moody talaga ni Avy 'no?" pasimpleng bulong ko kay Liza. Napangisi naman ito at pasimpleng bumulong din sa'kin, "Eh, kanina pa kasi kami naghihintay sa 'yo. Napakabagal mo naman'g babae ka! Kaya 'yan tuloy nawala sa mood, baka daw kako marami nang tao at 'di na tayo makakaupo!" "Madami namang upuan doon, ah? Paanong mauubos?" sagot ko rito at humagikhik. Naghagikhikan kami kaya napatingin sa amin si Avy na salubong pa rin ang kilay. "Avy, sorry na! Nakalimutan ko kasing novena na pala ngayon eh," naka-pout kong sabi sa kaniya habang naka-akbay. Nakarinig ko namang tumawa siya kaya nagtataka akong napatingin rito. Abnormal 'ata 'to eh. Moody nga talagang tunay! Sa aming tatlong magkakaibigan, siya 'yong mahirap biruin dahil hindi mo alam kung kailan siya sinusumpong ng pagka-mainitin ng ulo. "Oh, ba't tumatawa ka?" "Hindi naman ako galit eh, gaga ka. H'wag ka nga'ng mag-isip ng kung anu-ano riyan. Dalian mo na lang mga lakad mo, palibhasa'y ang iiksi ng mga paa, pandak pa!" aniya nang natatawa. Ayos na sana 'yon, eh, pero 'yong sinabi niya, kailangan pa talagang mang-asar?! Minsan talaga mapang-asar 'tong babaeng 'to. What a big insult! "Leche ka, Avy! Moody ka talaga eh 'no! Moody! Nagsalita ka rin, eh pandak ka rin naman!" sigaw ko rito at pilit na hinahabol siya dahil tumakbo ito matapos sabihin 'yon. "Stop na! Nasisira ang beauty ko, eh!" maarteng sigaw ni Liza. Nakasuot kasi siya ngayon ng red dress at todo ayos pa talaga ang gaga. Nangibabaw ang maputi niyang balat. Maganda naman kasi talaga siya, sakto lang ang sukat ng mga mata, hindi bilugan at hindi rin singkit, matangos rin ang kaniyang maliit na ilong, at 'yong lips ay full pero maganda ang kurba. Si Avy naman, medyo may pagkasingkit, matangos ang ilong at manipis ang labi. Morena din siya na siyang kinaiinggitan ko kasi masyadong maputi ang balat ko. B-in-ully nga ako rati ng mga kaklase ko sa elementary na 'harina' raw dahil sa pagkaputi na masyado nang mapusyaw. Pare-pareho lang kaming tatlo ng height at magkaka-edad lang din. Para kaming mga shunga na naghahabulan at nagsisigawan sa daan. Mabuti na lang at halos nakasara pa ang mga bahay rito sa village namin dahil maaga pa, kaya 'di nakakahiya. This time, ako na ang nahuli sa aming tatlo dahil natanggal ang sintas ng sapatos ko. Yumuko ako at napaupo para itali ito. Habang ginagawa ko ito ay narinig kong may bumusina sa likuran ko, paglingon ko'y isang dilaw na multicab. Muntik na ako'ng masagasaan pero mabuti na lang at nakatabi agad ako, hindi pa rin naaayos ang tali sa sintas ko kaya napapadyak ako sa inis. Gosh! Napakamalas naman. Natigilan ako nang may isang lalaking nakaputi at nakaitim na slacks ang lumabas doon at naglakad papalapit sa akin. I didn't mind him and just continued tying my ruined shoelace. "Miss, are you okay?" Sakto namang pagkatapos ng pagtali ko ay napatigil ako dahil sa boses niyang parang musika sa pandinig ko. Oh gosh, erase! Anong musika?! Nilalamon na talaga ng kung anu-anong ka-cringy-han ang utak ko dahil sa binasa ko kagabi. Napatingala ako rito at saglit na napatitig sa magaganda't singkit niyang mga mata. Para akong hinihigop nito. God, his eyes. They look so strict that could blow fire. Pero sa kabila ng pagka-istrikto nito, may kakambal itong kagandahan. Binaba ko ang mga mata sa kaniyang matangos na ilong, hanggang sa kaniyang manipis na labing may magandang kurba at medyo mapula-pula pa. Her brows were also thick. Gagi, ang pogi at ang kinis ng mukha! Napatitig ako rito nang ilang segundo bago mahimasmasan. Hindi ko alam kung bakit ang lakas-lakas ng pintig ng puso ko, dahilan para pasimple akong napahawak ako rito. Napatulala ako sa kaniya kahit nang mahimasmasan na. Namalayan ko na lang na iniabot ko ang kaliwang kamay ko sa kamay niyang ini-offer sa aking tumayo. "Are you okay?" ulit niya. Ito na naman ang puso kong naghaharumentado nang marinig ulit ang kaniyang boses. Napaka-lalim at manly naman kasi talaga ng boses niya. "A-Ayos lang ako, m-mabuti nalang at nakaiwas a-agad ako," nauutal kong sagot at ngumiti nang pilit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nakakahiya! Bakit ba ako nauutal? Dahil ba gwapo siya? Eh, ano naman? I've seen handsome faces everywhere, at hindi naman ako ganito kahibang kung tingnan! Iba lang kasi talaga 'yong dating niya. "That's good to hear, then. Sasakay na ulit ako ha? Next time, be safe," huling aniya at agad na sumakay sa multicab. May iba pa siyang kasamang katulad lang din ng suot niya sa loob. Pero teka... nahuli kong nakatitig pa siya sa akin mula sa loob ng multicab. We were just staring at each other for seconds. Nakita ko pa ang munting ngisi niya na mukhang dahil sa sinabi ng lalaking nakaputi rin sa loob. Lord, ang pogi! Doon ko lang namalayang nasa tapat na pala ako ng simbahan. Nakita ko rin ang sinasakyan ng lalaki kanina at iba pa niyang kasama na dumiretso sa parking lot at agad na nag-park doon. Ikinakunot iyon ng noo ko pero isinwalang bahala ko na lang dahil hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin ma-kalma ang puso ko. Napahawak pa rin ako sa tapat ng aking puso dahil sa nararamdamang 'di ko maintindihan. Naalala ko na naman ang mga singkit niyang mga matang nakakahalina talaga. s**t, ano bang nangyayari sa 'yo, Via? Mata lang 'yon eh, tsk. As if naman bibitayin ka na mamaya kaya ka nagkaka-ganyan. Naglalakad na ako papasok sa simbahan na nakatulala pa rin. Natauhan na lang ako nang may tumapik sa balikat ko. It's Avy. "Eli, ayos ka lang? Kanina ka pa namin hinahanap," nag-aalalang tanong niya. Eli ang tawag nila sa'kin ni Liza, in short of Elianna, that's my second name. "O-Oo, ayos lang, t-tinali ko pa kasi ang sintas ng sapatos ko'ng natanggal." At muntik na akong masagasaan... 'yan sana ang idudugtong ko but my mouth isn't cooperating, dahil naiisip ko na naman ang lalaking 'yon. Naiisip ko na naman ang matalas ngunit nakahahalina niyang mga mata kanina na tinitigan ako nang diretso. "Oh, tara na! Nakapili na kami ni Liza roon." Tinuro niya ang bandang kanan. Nandoon na nga si Liza sa pinakaunahan at nakatulala roon sa mga nagsipagdatingan na mga nakaputi, mga sakristan ata. Pero.. teka, 'di ba 'yan din 'yong suot ng lalaki kanina at mga kasama niya? Bakit ko naman 'di naisip 'yun, eh sa ganda ba naman ng ayos nila, napaka-pormal na parang mga anghel, at sa direksiyong tinatahak nila kanina. "Tara," sabi ko na lamang at sumunod sa kaniya patungo sa upuang napili nila. Nang makarating kami ay tiningnan ko si Liza kung sino sa mga sakristang 'yon ang tiningnan niya. Hmm, 'yung isang kasama ng lalaki kanina, may itsura rin naman katulad niya. "Hoy." Tapik ko sa balikat niya, dahilan para halos mapalundag siya sa gulat. "Ano? Bagong crush na naman?" pang-aasar kong tanong rito. Napangiti naman ito ng malaki. Tsk, basta gwapo talaga ang lakas ng tama ng babaeng 'to! "Oo hehe, ang pogi kasi ene be," malanding aniya, dahilan para mapangiwi ako. Si Liza talaga 'yung tipong may makita lang na pogi ay pasok agad sa crush list niya. Napakarami na niyang na-ilistang crush. "Basta pogi talaga ano? Tsk." "Tigilan mo na 'yan Liz, napaghahalataan ka masiyado," paalala ni Avy. She looks so done with her. Napasimangot naman si Liza at nakakunot pa ang noo. "Anong itsura 'yan? Para kang tubol, 'di bagay sa'yo!" pang-aasar ko sa kaniya. Binatukan niya ako, binatukan ko rin siya. Gantihan lang, sinuway na kami ni Avy pero hindi kami nagpatinag. Hanggang sa isang pamilyar na boses ang sumuway sa amin. Para naman akong sinilaban ng apoy, lalong-lalo na ang mukha ko na mukhang namumula na ngayon sa labis na hiya. "Miss, hindi sa lugar na ito nararapat na gawin ang mga kalokohan n'yong 'yan. Please show some respect, nasa simbahan tayo." Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki kanina. s**t, nakakahiya! Napakagat ako sa pang-ibabang labi at parang ayaw ko nang imulat pa ang mga mata. Napatungo na lamang ako at humingi ng tawad pero nilagpasan niya lang kami. Pasimple kong tiningnan ang bulto niyang nakatalikod at nakita kung gaano kaganda ang tindig niya. Doon ko lang napansin na ang tangkad niya pala. Wow, may time pa akong puriin siya despite the fact na napahiya ako? Shame on you, Via. "'Yan ang napala niyo. Ibang tao pa pala makapatigil sa inyo, eh. Hindi kasi kayo nakikinig sa'kin, tsk. Behave na kayo, para kayong mga bata," suway ni Avy sa'min at pumagitna sa aming dalawa. Hindi ako nagsalita at napasimangot na lamang. Sa tuwing napapahiya ako, automatic na tumatahimik talaga ako. Pakiramdam ko kasi, ninakaw ang dignidad ko. Maya-maya pa ay nagsimula na ang misa. Nakita ko na rin sa unahan namin ang pamilya ko. Nandoon sila lola, Mommy, Daddy at mga kapatid ko. Usually, hindi talaga ako sumasabay sa kanila dahil kasabay ko palagi mga kaibigan ko. Ayos lang din naman sa kanila 'yon. Sa kalagitnaan ng misa ay napadako ang titig ko sa lalaking 'yon kanina. Hindi siya nakatingin sa 'kin at seryoso lang na nakikinig sa pari. Teka, bakit naman siya titingin sa 'kin, 'di ba? Gosh, echosera ka talaga, Via! Pinipilit kong ibaling ang tingin ko kay Father pero makasalanan yata 'tong mga matang 'to eh, bumabalik sa kaniya— sulyap na pasimpleng bumabalik sa kaniya. Mga pasimpleng sulyap ko na 'di ko alam ang dahilan kung bakit bumabalik sa 'yo. Ano ba 'to? Ito ba 'yong tinatawag nilang love at first sight? Gosh, ayoko nito. Pakiramdam ko, ito ang maglilibing sa 'kin sa libingan ko. Ay, ang OA naman! Napalundag ang puso ko dahil sa hindi inaasahan ay napasulyap din siya sa akin. Nagkatitigan kami nang limang segundo. Oo, binilang ko talaga. Walang reaksiyon ang kaniyang mukha, ngunit parang ang daming sinasabi ng singkit niyang mga mata, dahilan para dito magtatagal ang mga titig ko. Iyong mga mata niya talaga, pakiramdam ko may nais sabihin kahit ito pa naman ang unang beses na nagkita kami. Hindi pa kita kilala, maski pangalan mo ay hindi ko pa alam, ngunit bakit 'pag tuwing mata mo ang tinitigan ko, parang may nag-udyok sa'kin na kilalanin ka pa. Wala na, nababaliw na ako. Unang kita pa lang 'to ah, bakit nagkakaganito na ako? Ba't parang pakiramdam ko, sumpa ito? Nang matapos ang misa ay parang dala-dala ko pa rin ang kaba sa puso kong 'di ko alam kung saan nagmula. Unang nagpaalam ang mga kaibigan ko dahil alam nilang kapag tinawag ako ng pamilya ko ay magtatagal pa ako kaya umuna na sila. Napag-usapan na rin namin na magsasabay na ulit kami bukas para sa 2nd novena mass. Nang makarating ako sa pamilya ko ay isa-isa akong nag-bless sa kanila. "How was the mass, 'nak?" nakangiting tanong ni Mommy. Sasagot na sana ako pero inunahan ako ng tanong ni Dad. "Naintindihan mo ba? May napulot ka bang aral?" May naintindihan naman ako dahil nakinig din naman kahit papaano pero paminsan-minsan ay nakatingin lang ako sa mata ng lalaking 'yon. "I-It was fine, Mom. And, yes, Dad, of course," sagot ko na lamang at ngumiti. "Weh?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Akemi sa tabi ko na para bang nababasa niya ang isipan ko. Hindi naman ako nagsisinungaling! It's just that... I was a little bit distracted earlier. "Oo nga! Epal ka na naman," inis kong sabi dahil feel kong may nalalaman ito, mapanuri pa naman mga mata nito. Sa aming magkakapatid, siya talaga 'yong observant kahit siya 'yong bunso dahil napapansin niya kahit mga munting bagay. "Oh siya, una muna kami ng Daddy nimyo!" "Bakit, Mom? 'Di ba kami sasama sa inyo?" tanong ni Astrid. Maging ako rin ay nagtataka. "Mga apo, sasama kayo sa 'kin. Samahan n'yo akong mag-serve ng pagkain kina Father at sa mga sakristan nito. Ang BEC group kasi namin ang naka-assign ngayong unang araw na magpapakain sa kanila," wika ni lola, dahilan para mamilog ang mga mata ko. "W-What?!" gulat kong tanong dahil 'di pa ako handang makaharap siya dahil sa kahihiyan kanina noong sinuway niya kami ni Liza. Mukhang napalakas 'ata ang boses ko at sobrang OA ang pagkakagulat ko, dahilan para magtaka silang tatlo. Napatikhim naman ako at nag-iwas ng tingin dahil tunay na ang OA ko. "Hoy te, ang OA mo naman. Serve lang 'yon ha! 'Di ka bibitayin!" sabi ni Akemi at pinitik ang noo ko. "A-Aray naman!" "Ano bang nangyayari sa 'yo, Via, huh?!" parang nanunuring tanong pa ni Astrid, naniningkit pa ang mga mata. Mas lalo pa itong sumingkit dahil singkit naman talaga siya— sila ni Akemi. Ako lang yata ang naiiba na bilugan ang mga mata. "W-Wala, sige n-na, tara!" pilit na ngiting sabi ko dahil parang napaghahalataan na ako ng mga pangit kong kapatid. "Ayos lang naman, apo, kung hindi ka tutulong. Aba, eh, baka hindi maayos ang iyong pakiramdam," wika ni lola at tinapat pa ang likod ng palad niya sa noo ko. "Hindi po, la! Ayos lang po talaga ako. Tara na!" "Oh siya, sige mabuti." Sabay-sabay na kaming naglakad patungo sa kumbento. Isinukbit ng dalawa kong kapatid ang mga kamay nila sa magkabilang bisig ko. "Via, may hindi ka sinasabi sa amin," bulong ni Astrid, dahilan para matigilan ako. "Ikaw ate, huh! Napapansin na kita mula noong magsimula ang misa." May alam na kaya sila? Knowing them, alam na alam nila lahat ng kilos ko. Lumaki kaming parang triplets dahil hindi napaghihiwalay kahit pa malayo ang agwat ng edad namin kay Akemi. "Umamin ka nga sa'min..." Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Ito na, mapapaamin na ba ako kahit hindi ako sigurado. Tsk, ano ba kasing tawag dito? Love at first sight? Imposible naman, ni hindi ko nga siya kilala. Pinagpawisan ako nang malamig dahil sa kaba. Bakit ba naman kasi halatang-halata ang kilos ko?! Wala talagang maitatago! s**t naman. "Hala, ate Ast, totoo nga! Pinagpawisan na oh!" pang-aasar pa ni Akemi, dahilan para ma-pressure ako. "A-Ano bang sinasabi n'yo?" nauutal kong tanong. "Nauutal pa, Ate, oh!" "Mukhang totoo nga, Akemi!" Sabay silang nagbungisngisan, dahilan para mapayuko ako. "Confirmed! Natatae talaga si Via! Hahaha!" Napangaga ako dahil sa gulat, sinabi pa iyon ni Astrid nang malakas. WTF?! Isa pa, WTF?! Kita kong napapalingon sa amin ang ibang tao dahil sa malalakas na tawa nilang dalawa. Nakita ko ring napasulyap ang mga sakristan na may inaayos pa sa loob ng simbahan sa gawi namin, dahilan para mapayuko nalang ako sa hiya. Leche! Ano bang pinagsasabi ng dalawang 'to?! Lamunin na sana ako ng lupa please! Sabay ko silang binatukan. "Hoy hindi ah! Leche, nakakahiya!" nakasimangot kong sabi at tumakbo papunta sa kumbento dahil nahuli na kaming tatlo. Akala ko kung ano na! Mabuti na lang na iyon lang pala. Nakahinga naman ako nang maluwag kahit papaano pero nakakahiya pa rin! Gosh, mukhang narinig yata ng lalaking 'yon! Pagdating ko ay tumulong na ako kila lola at sa mga kasamahan nitong maghanda. Wala na kaming panahon para mag-usap-usap ng mga kapatid ko dahil naging busy kami sa pag-serve ng mga pagkain para ihatid sa mesa. Nang handa na ang lahat sa mesa ay siya ring padatingan nila Father at mga sakristan niya at nang iba pa. Napayuko't napatabi ako nang maramdaman kong dumaan siya sa harap ko't bahagyang napatigil. Naitaas ko ang ulo ko at sinalubong ang kaniyang titig. Bahagya pang naniningkit ang singkit niyang mga mata't nagsalubong ang makakapal na kilay na animo'y sinusuri ako. Mga tatlong segundo lang naman 'yon bago siya lumampas sa akin. Nakahinga agad ako ng maluwag. "Miss Via..." Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko nang malumanay. Malapit lang kasi ako sa mesa. Lumapit ako sa kanila, at doon ko lang na-realize na ang lalaking 'yon ang tumawag sa akin. "B-Bakit?" Pinilit kong maging normal sa harapan niya kahit sa loob-loob ko'y naghaharumentado na naman ang puso ko. "Hmm, makikiusap lang sana akong magdala ka ng tubig dito sa mesa for us," nakangiting pakiusap niya, dahilan para mapatulala ako saglit. 'Yong ngiti niya! Paano niya nalaman ang pangalan ko?! Bigla akong napatingin sa kamay niyang parang may pang lalaking bracelet. Batid kong pangalan niya ang nakasulat doon. Laxus Bryle Vilmonte So, that was his name, huh? Pero, paano nga niya nalaman ang pangalan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD