Chapter 2

3234 Words
Laxus Bryle May 9, 2020 || 6:00 AM Most people consider me stoic, some think of me as someone who is cold and strict. Totoo naman at some point pero hindi naman palagi. I still have the ability to laugh, especially when I'm with my friends who are annoyingly humourous. Hindi naman ako robot. It's just that sometimes, I find things really annoying. I'm short-tempered. Kasalukuyan na akong nagsusuot ng puting t-shirt at slacks ngayon. I remembered how glad I was yesterday when I knew that today will be having a mass sa Sitio De Alta, malayong Sitio sa amin. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang saya ko everyrime I served in the altar. Well, maybe I'm really this committed to serving God. First novena mass daw ngayon para sa fiesta ng Sitio De Alta, dalawang Sitio ang pagitan mula dito sa Sitio namin. "Laxus, baby!" I heard my mom's shout. Kunot-noo ko namang pinihit ang doorknob ng pinto at sinimangutan siya dahil sa tinawag niya sa 'kin. "Mom, stop calling me that. I'm not a baby anymore," giit ko. "You're still my baby, Anak!" She smiled widely at me. I didn't move and was still looking at her with my 'a little bit' annoyed face. "Sige na nga! Binata na pala 'tong baby ko. You've really grown up so fast, Anak! Parang kailan lang, napakaliit at napaka-cute mo pa. Ngayon naman ay lumaki ka nang gwapo!" aniya sabay hawak pa sa bisig ko. Mom will always be Mom. Bini-baby pa rin ako. She always mentions to me how much she misses the little version of me. Araw-araw rin siyang nag-re-reminisce sa moments namin noong baby pa ako. Minsan naririndi na ako, pero hinahayaan ko na lamang dahil a part of me still wants to live in those moments. "Are my friends already there, Mom?" tanong ko rito habang tinatahak na namin ang hagdan pababa. "Oo, kanina pa sila riyan. Ang tagal mo raw!" aniya, at pagkatapos ay nagpaalam na pupuntahan muna si Dad para timplahan ng kape. Napabuntong-hininga ako at hinarap ang mga kaibigan kong mga sakristan din. Mula pagkabata ay plano na naming tatlo na maging alagad ng Panginoon sa pagiging sakristan sa ngayon. Hindi ko alam kung sino ba sa kanilang dalawa ang magiging katulad ko na magiging pari paglaki. "Dude, wala pa ring bago para ka pa ring babae. Ano pa ba ginagawa mo sa kwarto mo? Nagme-make-up ba?" biro ni Lloyd dahilan para batukan ko siya. "Shut up!" "Hindi, dude, forever na yatang late 'to kung bumaba eh kaya 'wag kanang manibago! Baka, babae talaga 'to sa past life niya, eh," pang-aasar ni Klein habang natatawa. "Tara na nga," inis na sabi ko na lamang at naunang maglakad. Nakapamulsa ako habang naglalakad. Natatawa naman silang sumunod sa akin, at ang kanilang malalakas na tawa ay nagpapairita sa tainga kong sensitive sa maiingay. Sumakay na kami sa multicab na sasakyan namin pagkatapos, at hihintayin na lang namin si Father Robert. Lima kaming lahat na sakristan'g sumama patungo sa Sitio De Alta. "Good morning, Father!" sabay-sabay naming bati kay father Robert nang sumakay na siya katabi ng driver. "Magandang umaga rin sa inyo," bati niya rin at ngumiti. Mabait si Father. Mapagbiro rin ito kaya sa tuwing magkakasama kami ay puro tawa lang kung minsan ang maririnig dahil sa mga biro niya. But we're all scared of him when he's mad, whenever we commit mistakes at the church. Mabait at mapagbiro ito pero huwag lang talagang magkamali sa tuwing nagse-serve. Puro tawanan at biruan na naman ang namayani sa buong multicab. Hindi ako nakikisabay dahil nakakunot lamang ang aking noo sa labas. I ran my fingers through my wet hair. Dahil sa pagmamadali, hindi ko ito agad nasuklayan. Sa kalagitnaan ng byahe ay may babaeng nakayuko't nakaupo sa gitna ng daan, dahilan para muntik na itong masagasaan ngunit buti na lang at mabilis itong napatabi at naihinto rin ang sasakyan. Naka-plastar ang gulat sa mga mata ng babae. Why would she tie her shoelace in the middle of road when the side of the road was wide? Paano kung masagasaan siya? Madadamay pa ang driver ng multicab. Inihinto muna ng driver sa gilid ang sasakyan. Pare-parehong naka-plastar ang gulat sa mga mukha namin. While me, I was furrowing my brows upon looking at the back of the girl who I feel like considering it nothing. "Laxus, suriin mo ang babaeng 'yon kung ayos lang ba siya," utos ni Father. Agad naman akong tumalima. Salubong pa rin ang mga kilay ko nang maglakad ako papalapit dito na pinagpatuloy pa rin ang ginagawa sa sapatos niya. She was almost hit but she acted like she doesn't care at all? God, kakaiba rin 'to. Napailing na lang ako dahil sa inis sa hindi malamang dahilan. Paano kung nasagasaan nga siya? Hindi ba siya nag-iisip? "Miss, are you okay?" I asked her in a calm way, kahit ang totoo'y gusto ko siyang paliguan ng sermon dahil parang wala lang talaga sa kaniya na muntik na siyang masagasaan. Nakita kong sandali itong natigilan bago nag-angat ng tingin sa'kin. Sandali akong napatitig sa bilugan niyang mga mata nang may maalala. Naalala ko noon na ganito rin tumitig ang babaeng 'yon sa akin na para bang inaalam ang bawat detalye ng mga mata ko. What a bad luck. Because of this girl, I remember that girl again. Hindi pa rin ito sumagot kaya naman labag sa loob kong ini-offer ang mga kamay ko sa kaniya para tulungan itong tumayo. Dahan-dahan naman nitong tinanggap ang kamay ko at agad na tumayo. Her deep stare was making me uneasy and feel awkward. Why is she staring me in that way like I'm some sort of criminal that she had seen on a serial killer documentary? "Are you okay?" ulit ko rito dahil parang wala siyang narinig. Is she deaf? Unti-unti na namang umahon ang inis sa akin. For what, Laxus? Well, maybe for feeling this awkwardness in front of her. "A-Ayos lang ako, m-mabuti nalang at nakaiwas a-agad ako." I almost laughed because of the way she stuttered in front of me, pero pinigilan ko 'yon. What's wrong with this girl? Para namang nangangain ako ng tao. Totoo namang naiinis na ako pero hindi naman ako pumapatay para mautal siya nang ganiyan sa harapan ko. "That's good to hear, then. Sakay na ako, ha? Next time, be safe," huling sabi ko dahil 'di ko na mapigilan ang tawa ko dahil sa papalit-palit na reaksiyon niya. Parang mas kinabahan pa siya sa presensiya ko kaysa kaninang malapit na siyang masagasaan. Wait... why am I even laughing on my mind? "Oh, ayos lang ba raw ang chicks na 'yon, dude?" pambungad na tanong ni Lloyd sa 'kin. Chicks? Itong lalaking 'to talaga, she always considers every lady a chick. "Ayos lang naman daw, at anong chicks sinasabi mo?" tanong ko, pero 'di ko napigilan ang tawa ko, pero napawi rin 'yon nang maalalang kuhang-kuha niya ang paraan ng pagtitig ng babaeng minahal ko noon. Naalala ko na naman siya. "Maganda naman 'yon, dude, ah. E'di chicks para sa 'kin," nakangising aniya. "Dagdag na naman sa chicks list mo dre?" pang-aasar ni Klein. "Oo," ani Lloyd saka natawa. Hindi ko maintindihan kung bakit natawa rin ako. Well... maybe it was because of the way she stuttered in front of me like she was nervous with my presence, and not on the fact that she was almost hit in the middle of the road earlier. "Oh, anyare sa'yo, dude? Mukhang bago ito na tumawa ka dahil sa isang babae, ah. Type mo 'yon, 'no?" pang-aasar ni Klein dahilan para mapangiwi't mapangisi ako. Sinamaan ko siya ng tingin. "No. Her reaction upon seeing me was just really funny. Parang mas kinabahan pa siyang makita ako kaysa kanina, she was almost hit pero parang wala lang sa kaniya," natatawang sabi ko. Napatawa na rin sila. "Iba talaga talaga charisma mo, dude. Isang tingin lang, may isang pusong nabihag na," ani Lloyd habang tinututok pa ang dalawang daliri niya sa mga mata ko. Tinabig ko naman ito't napangisi na naman. "Kalokohan, manahimik na nga kayo," suway ko sa kanila. Sakto namang huminto na ang sinasakyan namin kaya sabay-sabay na kaming bumaba. Sabay-sabay kaming pumasok sa simbahan. Nagpahuli ako sa kanila dahil naiinis akong napatingin sa dalawang babaeng nagbabatukan, dito pa talaga sa loob ng simbahan. Can they at least realize that they're here in a sacred place, and show some respect? Kung magbabatukan sila, sana'y lumabas na lang muna. Sakto namang pagdaan ko sa gilid nila ay pinagsabihan ko sila. "Miss, hindi sa lugar na ito nararapat na gawin ang mga kalokohan ninyong 'yan. Please show some respect, nandito tayo sa simbahan," seryosong saad ko at nilagpasan sila, hindi na inalam pa kung anong mga pagmumukha nila dahil wala na akong oras pa. Sinuot ko na ang sutana at surplice ko pagkarating ko sa sacristi. Nang magsimula na ang misa ay seryoso akong nakikinig kay Father. I really want to be like him someday, kaya bawat salita niya'y tumatatak sa puso't isipan ko. Kahit isang salita ay hindi ko hinahayaang lumagpas sa tenga ko. Nagpalingon-lingon ako sa 'di malaman na dahilan. Nahagip ng mga mata ko 'yong babaeng muntik nang masagasaan kanina, na nakatitig din sa 'kin. Walang reaksiyon ang mukha ko pero ang isip ko'y tumatawa na dahil sa reaksiyon niya na naman. I don't know what's with me that I feel like laughing whenever I see that reaction of her. Hindi naman ako ganito ka-palatawa. Well, I'm not laughing because of her appearance. She's pretty. Not just pretty but beautiful. Really beautiful. Iyong reaksyon niya lang talaga, I feel bothered. Sa 'di inaasahan may nahagip din ang mga mata ko sa bandang unahan niya. Prente lang itong nakaupo at seryosong nakikinig sa sinabi ni Father nagulat pa akong makita ko siyang muli. Matagal ko nang ibinaon sa limot ang mga ala-ala namin pero... hindi ko maintindihan kung bakit siya pa rin. "Dude, 'di ba si Elaina 'yon?" pabulong na tanong ni Lloyd. Bumuntong hininga ako. Nakita niya rin pala. Matagal-tagal na rin mula noong nakita ko siya dahil ngayon lang naman ako nakabalik dito sa Sitio nila. Napabuntong-hininga naman ako. Tulala lang akong tumango sa kaniya. "Naka-move-" Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang itatanong niya, ang paulit niyang tinatanong sa akin. "Please, dude, I don't wanna talk about it," I seriously said and darted my gaze to somewhere because I can feel the uneasiness inside me. "Okay, Okay!" aniya at itinaas pa ang mga kamay niya. Hindi na ako kumibo pa hanggang sa matapos ang misa. Kasalukuyan na kaming nag-aayos ng mga damit namin nang makarinig kami ng malalakas na tawanan sa labas. "Confirmed! Natatae nga si Via!" Palihim akong napatawa nang sabihin 'yon ng isang babae 'yon na katabi ng babaeng muntik nang masagasaan kanina. So, Via is her name, huh? Kitang-kita ko kung paanong namula ang mukha niya sa hiya. Napangisi ako. There's an urge inside of me to laugh again. Mabuti na lang at napigilan ko dahil baka kung anu-ano na namang pag-a-assume ang iisipin ng mga kaibigan ko. Nagtawanan ang mga kasamahan ko. Nakita ko pa ang iba na halos hindi na makahinga sa kakatawa. Napailing na lamang ako. Nang matapos kami ay sabay-sabay kaming naglakad patungo sa kumbento sa pangunguna ni Father. Mabuti na lang at hindi nalaman ni Father ang pagtawa nila sa babae dahil siguradong pagagalitan sila. Nang makarating ay nakita kong nakahanda na lahat ng pagkain sa mesa. "Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-sakristan, madaming pagkain!" mahinang sabi ni Jomel, isa sa mga kasama namin. Napatawa ang iba nang palihim. "Pagkain lang talaga iniisip mo, 'no?" "Uy, hindi, ah! Sincere kaya 'yong pag-se-serve ko. Dagdag points na pampasaya lang talaga ang pagkain." Tumawa si Jomel. Sabay-sabay na kaming kumain, pero sa kalagitnaan ay napansin kong walang tubig sa mesa, softdrinks lang ang meron. Minsan nang ipinayo ni Father sa amin na kailangan daw ng tubig ang katawan pagkatapos uminom ng softdrinks para malinisan ito. Nakita ko namang malapit lang si Via sa mesa, at alam ko na rin naman ang pangalan niya kaya tinawag ko ito. 'Yan na naman ang nagbibilugan niyang mga mata na talagang nagpapatawa sa akin sa hindi malamang dahilan. Sinabi ko sa kaniya ang kailangan namin at agad naman siyang tumalima. Nakita kong napasulyap pa siya sa bandang kaliwang kamay ko na nakaukit ang pangalan ko. Insterested, huh? Napangisi ako nang palihim. Natapos rin ang kainang iyon. Pauwi na kami ngayon, 'di ko parin maiwasang isipin ang mukha niyang wala pa ring pinagbago. Pero hindi ko alam kung bakit biglang lumitaw sa paningin ko ang gulat na gulat na mukha ni Via. Oh, damn. Nang makarating ako sa amin ay agad na sumalubong sa'kin ang kapatid kong babae na si Laxine "Kuya! Parang nag-aaway po sila Mommy at Daddy! Nagsisigawan po!" parang naiiyak na aniya dahil parang ito ang unang beses na magsigawan ang mga magulang namin. Agad akong lumuhod at tiningnan siya. "Stay here, okay? Let your kuya fix this," I said. She just nodded, still pouting her lips. I went upstairs at dali-daling naglakad papunta sa opisina ni Dad, dahil doon nagmumula ang ingay. "Nurse Chua said na, ganoon talaga 'yong nangyari!" It was Mom. "No! Hindi totoo 'yan, Lez, bakit ka ba kasi naniniwala sa nurse na 'yon!?" sigaw ni dad. Anong pinag-uusapan nila? "Sa ngayon, hindi pa buo ang paniniwala ko dahil wala pang ebidensiya na makakapagpatunay. Pero Lucas, para sa'kin may posibilidad na totoo 'yun kaya tama lang na naghiwalay sila ni Elaina." I clenched my fist as I heard my Mom saying that. What does she mean? "'Wag mo na ulit ungkatin ang tungkol d'yan, specially in front of our son." I opened the door right away, the reason why their eyes widened. Damn it, I want to know what was the other reason why we need to break up aside from my own reason. "What do you mean, Mom?" I asked her coldly. "L-Lax." "Bakit tama lang na naghiwalay kami ni Elaina?" "O-Of course you want to be a priest, r-right?" she rhetorically asked, pero ramdam kong hindi siya handa sa sagot niya. I noticed that, that was not the reason that they just argued awhile ago. But I never dared to ask again, because I was caught off guard noong sinabi niya 'yon sa 'kin. "Yeah, right," sabi ko na lamang at tinalikuran sila. I still can't understand myself. Why I am still affected because of her? Eh ito naman sana 'yung dapat 'di ba? I have a passion, yes, and I want to pursue it. I don't want to get attached into someone again, para pagdating ng panahon I wouldn't be torn on choosing. But why do I have this feeling that someone will replace her? No, I won't let that happen, I swear. Sana nga... I went to my room and took my phone to call my friends. I need a break. "Hello?" Lloyd answered from the other line. "Dude, can you come here? I want a company. Let's drink." "Eh?! Bago yata 'to, ah?" "If you don't want to accompany me, pwede namang hindi ka pumunta rito—" "Oh sige na nga! Ang sungit mo talagang gago ka! Tatawagan ko ba si Klein?" "Ikaw na lang ang pumunta rito. He's probably busy with his girlfriend." I uttered those words like a poison. Bitter? I don't know. "Oh sige, papunta na ako riyan," aniya bago pinatay ang tawag. May bar island kasi dito sa bahay kaya dito lang naming napagdesisyonang uminom, kung sa labas kasi ay posibleng pagbabawalan kami because we're not yet eighteen. Dito ako palaging umiinom sa tuwing dinadalaw ng nakaraan. Dumiretso na ako sa nasabing lugar at agad pumili ng mga inumin. Tequila ang kinuha ko. I took a sip on it. Agad na bumalatay ang pait sa aking lalamunan. Ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang presensiya ng kaibigan sa likod ko. Agad itong umupo sa tabi ko. "Dude, anong problema?" he quickly asked me. I sighed heavily. "It's about Elaina. Narinig ko kasi sila Mom at Dad na nag-uusap. Mom said na mabuti lang daw at naghiwalay kami." "What's the reason?" "Hindi ako kumbinsido sa rason niya dahil napaghahalataan kasi siya. But the reason that she said made me caught off guard, it was because J want to be a priest, hindi na ako umalma pa dahil totoo din naman. 'Yon din naman ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya sa'kin, 'di ba? Bakit apektado pa rin ako?" mahabang paliwanag ko habang pinipigilan ang luha sa aking mga mata. "Tapos nakita ko pa siya kanina..." I added. "Alam mo, dude, nakatakda na talaga 'yong breakup ninyo ni Elaina. Napaaga lang talaga, tsaka mabuti na nga 'yon para 'di ka na masyadong ma-attach sa kaniya, 'di ba?" Tumango lang ako dahil may point naman siya. "Maybe it's time to forget her— no, it's time to forget my feelings for her. It's been a year yet it's still her." Napabuntong-hininga naman ako't napaiwas ng tingin. Natigilan ako nang may mapansin na mga tao sa labas. It's Via, with her younger sister, maybe? What are they doing here? "Do you think maniniwala ako sa'yo, dude? Balita ko, marupok ka rin daw eh." I don't understand anymore what Lloyd was saying, I was focusing out there... kina Via. "Hoy!" Nahimasmasan ako nang pinitik ni Lloyd ang noo ko. "H-Ha?" God, why did I stutter? "Ayaw ko kako maniwala sa'yo." "Sa ano?" takang tanong ko. "Hoy, dude! Sino ba 'yang tinitingnan mo sa labas at doon naka-focus utak mo, ha?" nagdududang tanong niya habang sinisilip pa kung sino ang nasa labas. "W-Wala," utal kong sagot. What's wrong with me? Kanina lang, sa sobrang kalungkutan halos malunod na, ngayon naman, lutang? Gulat akong napatingin sa kaniya na ngumingisi na nang nakakaloko. "Why are you looking at me like that?" I annoyingly asked. "Baka gusto mo nang kalimutan ang nararamdaman mo kay Elaina dahil may iba na pa lang gusto 'tong marupok kong kaibigan," nang-aasar at nakangisi niyang sabi habang tinuturo pa ang puso ko. Kumunot ang noo ko. Abnoy. "Shut up. Ayoko nga'ng ma-attach 'di ba? Enough with that s**t," I said habang tinatanaw ang dalawa sa labas na parang may hinihintay dito sa loob. Why are they here? Anong sadya nila? "Hmm... sabi mo, eh. Pero, dude, ramdam ko na agad na type ka ng Via na 'yon. Iba talaga charisma mo!" aniya habang tinatapik pa balikat ko. Natigilan naman ako't napakunot ang noo. "What the? Unang kita pa lang, type agad? Kalokohan." "Malay mo, na love at first sight sa 'yo?" aniya sabay tawa nang malakas. Abnoy talaga. I don't really know how did he become my friend. "Stop it, dude. It doesn't exist, sa libro lang 'yan. In reality, physical attraction lang naman 'yan at hindi pag-ibig. Sabayan mo na nga akong uminom. Kanina ka pa dumadaldal diyan, eh wala ka pa namang nainom!" I complained with a crumpled face. Agad naman siyang kumuha ng baso at uminom, natatawa pa rin. Natigilan ako nang makita si Mommy na bumaba at sinalubong ng yakap sila Via. What's up with them? "Your Mom probably sent you here, Via and Akemi. Ang lalaki n'yo na!" Dinig kong sabi ni Mommy. Ano bang meron sa kanila? Bakit parang matagal na sila nagkakilala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD