Via Elianna
"Mom, ito na raw 'yung album na hinahanap mo sabi ni tita," sabi ko kay mommy habang inilalahad sa kaniya ang ipinakuha niyang album sa amin sa kaniyang best friend. Gabi na kaming nakauwi dahil nag-aya pa ng gala si Akemi sa plaza dahil may sadyang makita 'yong isa sa crushes niya.
Mula nang bata pa kami ay kilala na namin ang best friend ni Mommy, pero kailanma'y hindi namin nakilala ang mga anak nito. Hindi ko rin alam kung bakit hindi naipakilala and I never bothered to ask, too. I'm still wondering what's going on with my sister Astrid recently. Ang biglaang pagbabago ng pakikitungo niya ay pumuno sa isipan ko.
"Thank you, mga baby ko! I'm sorry kasi kayo pa ni Akemi ang pinapunta ko roon. It's just that I'm not feeling well." Bumalik sa pagkabalisa ang mukha ni Mommy nang sabihin 'yon.
"Okay pa sa alright 'yon, Mommy! Gusto ko na rin kasing mapuntahan ulit 'yong bahay nila tita!" masayang wika ni Akemi. We're the same. Ngayon pa lang ulit kami nakabalik doon, malayo kasi ang bahay nila rito sa amin.
"It's fine, Mom. Just don't neglect your health. Take care of yourself, Mommy. I love you." I kissed her on her cheeks. Gano'n din ang ginawa ni Akemi.
Pagkatapos naming ibigay kay mommy ang album ay agad na kaming nagsipuntahan sa mga kwarto namin dahil tapos na rin kaming maghapunan. Pero bago pa man ako makapasok sa kwarto ko ay agad akong kinalabit ni Akemi.
"Ate, napapansin mo ba ang pagiging balisa ni Ate Astrid?" tanong niya. Pati rin pala siya ay nakapansin.
"Oo." I heaved a deep sigh. Minsan lang kasi sinusumpong si Astrid ng pagka-balisa kaya nakakalungkot sa tuwing nagiging ganito siya without is knowing the reason why. She's that kind of person who is very secretive. Kahit nga favorite brand ng napkin niya ay hindi namin alam.
"Ano kayang posibleng dahilan kung bakit siya naging balisa?"
"Hindi ko rin alam, Akemi. Basta bigla na lang siyang nagkagan'on right after tinulungan natin si lola na mag-serve sa kumbento."
Napasimangot ito. "Hindi ako sanay talaga. Matanong na nga lang bukas. Sige na, Ate. Goodnight! Babush!"
"Goodnight."
Agad na akong pumasok sa kwarto ko at napagdesisyonang mag half bath. Habang naliligo ay bigla nalang lumitaw sa paningin ko ang mukha ni Bryle... oo Bryle hehe. Mas bet ko siyang tawagin sa second name niya, eh. Iniisip ko kasi na siguro common na siyang tawagin sa first name niya kaya pipiliin ko siyang tawaging Bryle na lang.
Laxus Bryle Vilmonte
Laxus Bryle Vilmonte
Laxus Bryle Vilmonte
Nagpaulit-ulit sa isip ko ang maganda niyang pangalan. Naalala ko na naman ang mga mata niya. Manipulative eyes! He made me feel like this because of those eyes of him. Bakit ko nga ba siya tinitigan sa mata? Bakit sa mata niya pa when they say that it's the window of the soul? That means, the way he looks at you says something about what he feels about you.
Bakit ko nga ba iniisip lahat ng ito? First sight pa lang 'yon, ah? Mababatukan ko talaga sarili ko!
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong sumampa sa kama. Nag-isip-isip muna ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto. I was thinking about him again. Bakit ba hindi siya mawala-wala sa isipan ko? Pakiramdam ko tuloy, na-hipnotismo ako ng mga mata niya. Gosh, I can't! Hindi dapat ako mahulog! Nagpagulong-gulong ako sa higaan hanggang sa nahulog ako. Napa-aray ako. Literal na nahulog talaga, my goodness!
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas singko pa lang ay bumangon na ako. Ewan ko ba kung bakit sinaniban ako ng kasipagang bumangon ngayong araw taliwas sa kahapon. Agad akong sumilip sa kwarto ni Akemi at napahalakhak nang makitang tulog pa ito at tumutulo pa ang laway. Kadiri! Ang ganda tuloy pag-tripan upang makapaghiganti sa ginawa nila ni Astrid sa 'kin kahapon! Sarap ipatikim ang ganti ng api.
Sunod ko namang pinuntahan ay ang kwarto ni Astrid, tulog pa rin ito gaya ni Akemi, pero 'di ko magawang tumawa dahil naalala ko na naman ang pag-uusap namin kahapon matapos ko siyang tanungin sa bahay kung bakit naging balisa siya. I began to sigh.
Flashback...
Matapos umuwi nila Father kasama ang mga sakristan niya ay doon ko na napansin ang pagiging balisa ni Astrid. Puro tango at iling lang ang mga isinagot niya kahit na magbiro man kami ni Akemi. We're not used to that kind of demeanor of her.
Pagkarating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto niya dahil gusto ko siyang kausapin tungkol doon.
"Ast, bakit naging balisa ka kanina? Anong problema?" agarang tanong ko sa kaniya habang siya'y nakatalikod sa'kin. Kahit naka-talikod siya sa 'kin ay ramdam ko ang pagkatigil niya base sa kung paano kumuyom ang mga kamao niya na tila may pinipigilang emosyon.
"W-Wala. Sige na magbibihis na ako," aniya pero hindi ako kumbinsido kaya agad ko siyang pinaharap sa'kin.
"Alam kong meron kaya ano nga'ng problema? Hindi ka naman nagkakagan'yan kung wala, eh."
Nag-iwas siya ng tingin.
"Ako, may tanong rin ako."
Ano ba 'tong si Astrid? Nagtatanong ako tapos sasagutin niya ng tanong? Parang tanga.
"Mamaya na 'yan, sagutin mo muna—" Natigil ang pagsasalita ko nang sumabat agad siya.
"May gusto ka ba sa isa sa mga sakristan kanina?" tanong niya, dahilan para matigilan ako. Diniinan niya pa talaga 'yung word na 'isa'. Hindi ako nakasagot agad dahil 'di ko alam kung ano ang isasagot.
"W-Wala ah," utal na sagot ko. Hindi rin naman ako sigurado eh. Nakahalata pala talaga siya? I thought she didn't.
"Siguraduhin mo lang, dahil alam mo ba kung bakit? Once na ma-attach ka sa isa sa kanila, masasaktan ka lang sa dulo," matigas at seryoso na aniya, dahilan para mas lalo akong matigilan at 'di makagalaw sa kinatatayuan.
"B-Bakit?"
"'Wag ka na magtanong. Magbibihis na ako."
Bigla akong kinabahan. Hindi niya sinagot ang unang tanong ko kung ayos lang ba siya dahil iniba niya ang usapan na hindi ko maintindihan ang dahilan. Hindi ko na pinilit na itanong 'yon dahil parang tumatagos na sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ko na nga din namalayan na nakalabas na ako sa kwarto niya.
End of flashback.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang may sumundot sa tagiliran ko.
"Aray!" giit ko. Napatingin ako kung sino ito at ganoon nalang ang gulat ko nang makitang si Astrid pala ito.
"Sorry!" Tumawa siya nang malakas at napa-peace sign pa. Sa lagay na 'to mukhang nahimasmasan na 'to sa pagkaseryoso.
"Oh? Okay ka na ngayon?" pabirong tanong ko pero parang ang dating ay tonong sarkastiko. Napanguso naman ito.
"Via naman... sorry sa kahapon, ha? Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko."
"Wag kang mag-sorry dahil wala ka namang kasalanan. Parang tanga 'to!"
Napangiti naman ito nang malaki at tsaka... niyakap ako nang napakahigpit!
"Hoy, para namang mamamatay na ako. Kung makayakap ka naman, sobrang higpit! Yakapin mo na lang din leeg ko, nahiya ka pa'ng gaga ka!"
"Ang bait-bait mo talaga!" bola niya, dahilan para mapangiwi ako.
"Hoy Astrid tama na nga. Kinikilabutan ako sa'yo dahil 'di bagay sa'yo maging ganiyan! Ew!"
"Minsan na nga lang 'to eh, tse!
"Oh? Maaga ka rin nagising? Sabay na tayo magsimba! Nagtext kasi mga kaibigan kong pangit, hindi daw sila makakasimba. Si Avy sinama daw siya ng pamilya niya sa Cebu na magbakasyon ngayong araw, tsaka si Liza naman mag-sho-shopping daw kasama mga pinsan niyang babae," mahabang sabi ko. Buti na lang at maaga din ito nagising kaya baka makakasabay ko 'to.
"Hindi muna siguro ako makakasimba sa ngayon. Kaya ako nagising ng maaga dahil ang sakit ng puson ko." Nakangiwing hinimas-himas niya ang kaniyang puson.
"Ah... sige Ast. Sila Mommy at Akemi na lang yayayain ko," nanghihinayang kong sabi at tumango lang siya. Tumalikod na ako at bumalik sa kwarto ko. Agad na akong naligo't nagbihis. Isang long-sleeve na yellow dress ang sinuot ko at white shoes sa baba. Nilugay ko lang ang buhok ko.
Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Akemi. Tulog pa rin ito! Napagdesisyonan kong puntahan sila mommy sa kwarto nila pero nakasalubong ko si manang— ang mayordoma namin, at sinabing may emergency daw sa trabaho ang mga ito. Si lola naman, ayon kanina pa sa simbahan. Hayst, sino ba makakasabay ko ngayon? Bumalik ako sa kwarto ni Akemi.
Ginising ko ito pero sinabing mamaya na lang daw siya't mauna na ako. Gosh, wala na akong pag-asa sa bruhang ito!
Nagpaalam na ako kay manang at naglakad na papalabas. Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang naging pag-uusap namin ni Astrid kahapon. Feeling ko tuloy parang may naranasan na siya, dahilan para nagbaba siya sa 'kin nang gano'n. Sa pagkakaalam ko, wala pang naging boyfriend si Ast, at kung meron man, magsasabi naman siya dahil isa 'yon sa mga promises namin— ang hindi magtago ng sekreto.
But how can she really keep her promise when she's secretive herself?
"Hindi kaya... may hindi siya sinasabi sa amin?" patanong ko sa sarili ko habang nilalagay pa ang hintuturo sa chin ko. Alas singko y media pa naman kaya wala pang tao. Wala pang tao na mag-iisip sa 'kin na nababaliw na ako dahil kinakausap ko ang sarili ko. "O, kaya naman, may naging boyfriend talaga siya at—"
"Hi!"
Napalundag ako dahil sa gulat nang may sumulpot na lang bigla sa tabi ko. Napahawak pa ako sa tapat ng puso ko dahil sa gulat. Mas lalo akong nagulat nang makitang isa ito sa mga sakristan na kasama ni Bryle kahapon.
Napalunok ako.
"Jusko, nakakagulat ka naman! Kinakausap ko sarili ko rito tapos bigla ka na lang susulpot?!" pagsasalita ko nang matauhan.
Bumunghalit naman ito ng tawa kahit wala namang nakakatawa. Naalala kong ito pala 'yung crush ni Liza. Tse, parang abnoy!
"Eh?! May gano'n ba?"
"Oo at ako ang gumagawa! Bakit? Do you have any problem? Huwag ka nang magtanong."
"Sungit naman nito. Gusto ko lang naman makikipagkilala."
"Bakit naman?" takang tanong ko. Feeling close lang? Bigla-biglang susulpot, gano'n?
"Gusto ko lang." Bumungisngis ito. Lloyd pala." Nilahad niya ang kamay niya. Nagdalawang-isip naman akong abutin 'yon dahil feeling ko, may purpose siya, eh. Pero dahil mabait ako, inabot ko pa rin. Ano bang purpose itong sinasabi ko? Parang tanga.
"Via," tipid na sagot ko.
"Hmm Via... nice name," aniya habang nakangisi at nakatingin nang diretso sa 'kin.
Napataas naman ang isang kilay ko.
"Bakit nandito ka na? Magsisimula na ba ang misa?" tanong ko dahil sa nakita ko kahapon ay sabay-sabay sila ni Father na pumunta rito.
"Hindi pa. Pinauna lang kami ni Laxus dito dahil may ibinigay na gawain si Father sa aming dalawa. Nakita kita ritong nag-iisa kaya sinamahan na kita, kawawa ka naman." Napakunot ang noo ko dahil sa huling sinabi niya. Sinamahan niya lang ako rito dahil kinakaawaan niya ako? Parang tanga talaga. Tapos may nalalaman pang makipagkilala, duma-damoves ah, charot.
Binatukan ko naman siya.
"Aray naman!"
"So, naaawa ka lang sa 'kin kaya mo ako nilapitan? Hindi ko kailangan ng awa kung ganoon."
"Hindi! Gusto ko lang talaga makikipagkilala sa 'yo, promise!" aniya habang tinataas pa ang mga kamay niya, like defending himself dahil para akong tigre na handa siyang sugurin.
Napataas ang kilay ko. "Sabi mo, eh. Oh, nasa'n si Bryle?" kuryusong tanong ko dahil sabi niya'y silang dalawa daw ang inatasan. Bet ko na talaga siyang tawaging Bryle. Gosh, bakit ba ako kinikilig by just merely thinking about calling him by his second name? Hays, iba na 'to.
"Huh? Sinong Bryle tinutukoy mo?"
Ay engot Via, Laxus pala nakasanayan nilang itawag doon. May nalalaman ka pa'ng Bryle, ayan tuloy. Paano ka kaya makakalusot gaga ka?
"A-Ah, wala," sabi ko at naunang maglakad. Baka makahalata pa 'tong isang 'to na interesado ako sa kaibigan niya dahilukhang madaldal pa naman ang isang 'to at tsismoso! Kalalaking tao. Binilisan ko ang lakad upang hindi maabutan.
"Alam ko na! Aba, naging slow ako ro'n, ah. You mean Laxus Bryle?" pang-aasar niya, dahilan para matigilan ako't mapapikit sa inis. Bakit ko pa kasi kinausap ang lalaking 'to? Bwiset naman, oh.
"Ano? Bakit mo siya hinahanap? Miss mo agad? Hala, type mo 'no?" pang-aasar pa niya. Parang bakla kung mang-asar 'to ah. Ang daldal, leche!
Hinarap ko naman siya at pinagtaasan ng kilay. Nakapa-mewang na rin ako ngayon. "Eh 'di ba sabi mong kayong dalawa ang pinauna rito, so ibig sabihin kasama mo na siya! May tao bang may kasamang nag-iisa? O baka naman nag-i-imagine ka lang d'yan?" mataray na sabi ko habang naghahabol pa ng hininga matapos sabihin 'yon dahil sa gigil.
Tumawa naman ito nang napakalakas. Abnoy talaga! Kung malaman ni Liza ang pagiging abnoy nito, sana maturn-off siya. I'm already praying for her life dahil mukhang malalagay sa peligro kasama ng lalaking ito.
"Easy! Nandoon lang siya sa—" Hindi na natapos ang sasabihin nito nang may biglang bumatok sa kaniya sa likuran. N
"Stop bothering her, dude. May pinapagawa pa si Father sa atin that is more important than you, pestering her. Stop being so nosy and annoying."
"Ano ba kayo?! Bakit kayo nambabatok?"
"Shut up and let's go."
Hindi ko na kailangan pang lumingon pa dahil alam ko na kung kaninong boses 'yon. Para akong napako sa kinatatayuan ko nang maisip kong nandiyan lang siya sa likod ko... na sobrang lapit na naman namin sa isa't-isa. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko na para bang anytime, lalabas ito mula sa lungga nito. And I don't even know the reason why. Dahil ba nandito siya? What's with that? Ano namang meron kung nariyan siya?
Hindi ko talaga alam kung bakit ang mga paa ko ay nanginginig sa kaba. Gosh, this ain't good. Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang nang magplanong lumayo na ay napatigil ulit ako at napapikit.
"Miss Via," kaswal niyang tawag pero iba ang epekto sa akin. Parang iniimbitahan akong lumingon at titigan ulit siya sa mata.
Ginawa ko nga, nilingon ko siya... pilit kong isinasantabi ang reaksiyon sa aking mukha sa pamamagitan ng pagpa-plastar rito ng walang emosyon. But who am I fooling? Ang sarili ko rin.
"Bakit?" Nagsasaya ang puso ko dahil hindi man lang ako nautal gaya kahapon. This is better.
Saglit kaming nagkatitigan... at ayon na naman, naghaharumentado na naman ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ko siya malabanan sa titig, kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin. At bwiset, napako ang tingin ko kay Lloyd na ngingisi-ngising napatingin sa 'kin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"I'm sorry about my annoying friend. Ako na ang hihingi ng tawad dahil 'di marunong 'to. Aalis na rin naman kami," sinserong aniya kaya naman parang may humaplos sa puso ko. Nakapulupot naman ang braso nito sa balikat ng kaibigan at nahalata kong mahigpit ito kung makahawak na parang nanggigigil.
"Ayos lang—"
"Epal ka naman, dude! Nag-uusap pa kami ni Via, eh! Susunod na lang ako sa'yo mamaya," reklamo ni Lloyd.
Tsk. Ano bang meron at gusto niyang ituloy ang usapan namin? Wala naman siyang kuwenta kausap dahil nang-aasar lang siya.
"No. You come with me. Bawal makikipagdaldalan ang isang sakristang tulad mo."
Palihim akong natawa sa sinabi ni Bryle.
"Ako bawal?! Ikaw p'wede-"
"Ang daldal mo. Halika na." Wala nang nagawa pa si Lloyd dahil hinatak na siya papalayo ni Bryle. Muntik pa nga niya itong takpan sa bibig.
"Via, my lovesss!" sigaw pa ni Lloyd at may paawa effect pa ang mukha.
Nagiba ang timpla sa mukha ko kaya inirapan ko siya. Anong trip nito? Mga lalaki talaga.
"Halika na nga!" Parang inis na inis nang sabi ni Bryle, dahilan para mapangisi ako.
Wait, nagseselos ba siya? Ay, assuming ka, Via! Tsk. Napailing na lang ako habang nakangisi nang maglakad na rin papasok sa loob.
Nang makarating ako sa simbahan ay nag sign of the Cross muna ako. Sumilip ako sa loob, wala pang masyadong tao kasi maaga pa nga. Napagdesisyonan kong maglakad-lakad muna sa malawak na labas ng simbahan. Wala akong kasama kaya naman nabuburyo ako. And of course, he's entering my mind again!
Napapikit ako habang nilalanghap ang marahan na hangin na humahalik sa balat ko. Hindi ko maiwasang isipin ulit ang mga mata niyang nagpapakaba sa akin, gosh! Ano ba?! Erase! Erase! Everytime he's really near on me, napapatigil ang bibig ko sa pagsasalita... tulad na lang kanina. What magic does he hold for me to feel all of this strange feeling?
'Di ba ayaw mong masaktan!? Kaya sundin mo ang sinabi ng kapatid mo, Via!
Nagtatalo ang puso't isipan ko at hindi ko alam kung sino ang mananalo.
Wow, I'm acting as if ilang buwan o taon ko nang ina-admit na crush ko si Bryle, ah!
"Bakit naman kasi ako nagkakaganito? Love at first sight? Kalokohan. Paano pa sa mga susunod na araw? Baka bibigay—"
"Hey."
Sa pangalawang pagkakataon ay napalundag na naman ako sa gulat nang may magsalita't sumulpot sa likuran ko. Jusko naman po, ano bang nangyayari sa mga tao ngayon, at kay hilig-hilig manggulat?
"Bakit ba kayo nanggugulat ha!?" gulat na sabi ko habang salubong ang mga kilay, pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung sino itong poncio pilatong bigla na lang sumulpot upang gulatin ako sa pangalawang beses.
Si Bryle.
Shit... What the heck talaga.
"I'm sorry if I just suddenly surprised you," he said and after that he chuckled.
Anong nakakatawa? I thought he's cold and strict! Mana lang din pala sa kaibigan! Well... hindi naman talaga siya robot kung tutuusin. Napaka-unrealistic kung talagang ganoon lang siya. We, humans are three-dimensional.
"What's funny?" nakasimangot kong tanong dahil parang may nakakatawa sa mukha ko.
Napatingin ito sa akin at ngumiti. Ano ba 'yan? Kailangan pa talagang ngumiti? Hindi ba siya nag-aalala na baka mahimatay ako rito dahil istriktong mukha pa nga niya ay parang naghihingalo na ako, ano pa kaya kung ngiti na?
"Wala naman," tipid na aniya, hindi ako kumibo, umiwas na din ito ng tingin. Katahimikan ang namayani sa amin dahil hindi na ako sumagot pa. Ano pa bang isasagot ko? Ang awkward din. Napatingin ako sa ibaba. Ano 'to, sahig?
Laxus Bryle's POV
Silence prevailed in between of us. No one dared to say anything as awkwardness prevailed more than the silence could do. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya nilapitan. It's just that... I saw her being alone here. Parang may nag-udyok sa 'kin na lapitan at kausapin siya sa hindi malamang dahilan. I always wonder... when would we discover the reason behind 'sa hindi malamang dahilan?'.
Napansin kong wala siyang kasama, samantalang kahapon, marami naman. When I saw her reaction again, I just found myself smiling like an idiot. Grabe kung makagulat 'to. She's really... cute. I find her really cute. I laughed on my mind. And I'm hoping... that finding her cute is the ending. Ayokong may dumagdag pagkatapos.
Hindi ko alam kung bakit napapatanong ako kung ano ba 'yong sinasabi niya kanina? I noticed her talking to herself. And why am I f*****g interested?
"You're alone?" tanong ko na lamang though I already know the answer. I just don't know how to break the silence and the awkwardness between us. Napalingon ito sa akin at sandaling napatitig sa mga mata ko.
With no reason, I also stared at her eyes intently. I don't know what's wrong with me today... kung dati ay si Elaina lang ang natitigan ko nang ganito noong una kaming nagkita, but now, bakit naibaling sa kaniya? Hindi ko talaga maintindihan.
"Hindi."
I shot a curious glance at her. May kasama pa siya sa lagay na 'yan?
"Nasaan ang kasama mo?
"Nandito sa tabi ko, kasama kita 'di ba?" she rhetorically said, smiling, while pointing her index finger at me. Although I know that she's just hiding the sarcastic way by plastering her smile, I don't know why I just found myself staring at her smile for awhile. What's going on with me?
Napangisi ako't napailing sa sarii. Yeah right. I'm with her right now. I looked stupid with my question... but it was the only way to break the tension between us earlier
"Ah yeah," napapahiyang ani ko because I saw her stopping herself from laughing.
"Don't stop yourself from laughing if you want. Nakakamatay raw 'pag pinipigilan 'yan." Instead of getting annoyed, I just found myself laughing with her when she started to laugh. Kakaiba talaga.
"Anong nakakamatay? Lahat ba ng bagay na pinipigilan ay nakakamatay?" Gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa biglaang seryosong tanong niya, but afterwards I chuckled dahil sineryoso 'ata niya ang sinabi ko.
"I was just kidding. You're too serious, Miss."
"Pangit mo naman mag-joke! Ayaw ko lang talaga ng jokes about death kasi you know, it's too sensitive. Malay mo maging totoo, 'di ba? According sa novel na nabasa ko, words are too powerful. Hindi natin alam na magkakatotoo—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang hapitin ko siya sa bewang dahil isang malaking bagay ang papabagsak mula sa itaas patungo sa kinatatayuan niya. Muntik na siyang mabagsakan ngunit mabuti na lang at dali-dali ko siyang nahapit sa bewang at nilapit sa aking dibdib papalayo roon.
Fuck. Just... what the f**k? Naramdaman ko ang paggapang ng kilabot sa akin nang mapagnilayan ang huling mga salita niya bago pa siya muntikang mabagsakan.
Nagulat ako sa posisyon namin dahil pareho na kaming nakayakap sa isa't-isa habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa aking dibdib. Nagsimula ring kumabog nang malakas ang dibdib ko kaya marahil ay dama niya 'yon. Unti-unting umangat ang tingin nito sa akin, gulat at kaba rin ang naka-plastar sa kaniyang mukha.
We stared at each other like there's a competition between us which is the staring contest. The one who will avoid gaze will be lost... and the one who will tay still... will claim his victory.
Kasabay ng pagbagsak sa tinutukoy kong bagay na mula sa itaas ay siya ring pagtunog ng kampana na siyang hudyat na magsisimula na ang misa, habang kami ay nakatitig pa rin sa isa't-isa.