Continuation... "Eli, 'di n'yo pa sinasabi sa parents niyo ang tungkol sa relasyon n'yo ni Laxus?" tanong ni Avy. Nasa corridor na kami ngayon, naglalakad pauwi. Kakatapos lang ng exam namin, Friday ngayon. Bryle texted na ihahatid niya raw ako. Ngayon na lang kasi ulit kami magkakaroon ng mahabang oras sa isa't-isa dahil nga busy kami sa exam. Umiling ako. "Wala pa sa plano namin 'yan, Avy." "Bakit naman? Halatang suportado na sa inyo 'yon, ah, noong debut mo pa lang. 'Yong mama lang ni Laxus 'yong parang nag-alinlangan or what," sabi ni Liza. Napatigil ako sa paglalakad at biglang kinabahan. Hindi ko nahalata 'yon sa mukha ni tita dahil ang saya ko that night. Baka hindi niya ako gusto para kay Bryle? Baka hindi niya ako gusto dahil ang ex ni Bryle ang gusto niya para rito? 'Yon pa

