Chapter 6

3005 Words
Laxus Bryle "We're not in a relationship po, lola," sabay naming sabi ni Via dahil pareho rin kaming nagtataka sa sinabi ng matandang babae. What she said was making me feel anxious and... uneasy. I feel like she can predict the future... pero alam ko namang 'di siguro mangyayari 'yon. Hindi rin ako naniniwala sa mga hula tungkol sa hinaharap dahil mas nagfo-focus ako sa kasalukuyan. I just let God decide for my life and I don't worry about anything because I know that He's just here with me. Napangiti ito nang kaunti bago magsalita. "Aalis na ako, sana'y maging handa kayo sa sasapitin n'yo," aniya bago naglakad papaalis. Nakita ko pa ang pagsayaw ng hangin sa suot na balabal nito na hindi ko alam kung bakit nagbibigay kaba sa akin. Nagkatinginan ulit kami ni Via dala-dala pa rin ang pagtataka sa mga mata. Hindi lamang pagtataka dahil alam kong katulad ko'y... kinakabahan din siya. Pero agad din akong nag-iwas ng tingin at napatingin sa langit at nakitang umuulan na pala nang malakas nang hindi man lang namin namamalayan. I noticed that Via cleared her throat first before saying anything. I can feel her uneasiness. Her body language says it all. "Sabi ng matanda na sa 'yo raw ang panyo ko. Ayaw ko mang maniwala sa sinabi niya, pero gusto lang sana kitang tanungin, nagbabakasali lang ako," aniya pero pansin ko ang pagkailang niya. Sa tuwing mapupunta ang titig niya sa'kin ay nangingiti na naman ako nang palihim dahil sa reaksiyon niya. Ang totoo, nasa akin naman talaga ang panyo n'ya at dala-dala ko ngayon. Isasauli ko na sana sa kaniya 'to noong isang araw, but she was not able to attend the mass. Also earlier, I was about to hand it to her but I forgot that I have forgotten bringing it with me, then I have this unexplainable gut feeling that she'll go here now, so I just found myself going here, hoping that she's really here. And yeah, I was right. Trusting your instinct sometimes is kinda good. "Yeah, I have it. That's why I went here to bring it back to you. Ito." I handed her yellow handkerchief to her. Tinanggap niya naman agad ito at napapangusong sinuri-suri ito. Hindi ko alam kung bakit gusto ko na namang matawa dahil sa pagnguso niya. She's just really... cute. "You're thinking that I'm handing you another handkerchief that has the same structure as yours, huh?" My lips rose for a smirk at natatawa na rin talaga sa reaksiyon niya. "—and if you're thinking that it's dirty, 'wag kang mag-alala, nilabhan ko 'yan," I said while putting my hands behind me. "Talaga? Ginawa mo 'yon?" parang gulat na tanong niya. Her eyes were cutely widening again. "Yeah, because I was thinking that time that I'm responsible to do it kasi narumihan na rin 'yan nang kaunti," sabi ko. I saw how her brows furrowed, pero kalaunan ay tumango lang din siya habang nakatingin sa 'kin. "Ang lakas naman ng ulan, paano ako makakauwi nito!" nakangusong pabulong na aniya pero rinig na rinig ko. Ako nga rin, gusto ko nang tumila ang ulan para makauwi na, pero mas lalo pa itong lumakas kaya naman imposibleng tumila ito ngayon. Napabuntong-hininga muna ako bago mapatingin sa bench na inupuan ng matanda kanina. Hindi ito naulanan kaya maaring upuan. "Hintayin nalang natin na tumila ang ulan. Umupo muna tayo roon," anyaya ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango at nauna sa paglalakad. Sumunod naman ako. Nang makaupo na kaming dalawa ay katahimikan ang namayani. Hindi katulad kanina na kaswal lang na nag-uusap at parang magkaibigan, pero ngayon parang pareho kaming na-pipi. "Bakit kaya ganoon ang sinabi ng matanda 'no?" Gulat muna akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya, kalaunan ay na-gets ko naman ang tanong niya. I probed how her eyes watch every drop of the rain. "I don't know either. Maybe she's... a fortune teller who randomly speaks about the future of someone," kaswal kong sagot dahil wala akong ibang pananaw tungkol do'n sa sinabi ng matanda. Napakunot naman ang noo nito habang nakatingin lang sa ulan. I don't really understand myself that I can't avoid to... stare at her especially at her eyes. "Kanina... bago ka dumating may sinabi pa siya sa akin," aniya sabay tingin sa 'kin. I cleared the lump of my throat because of the way she stares at me. Parang malalim na hindi ko masisid. Hindi ko alam... nagagandahan ako sa mga mata niya. They look beautiful like an angel's eyes. "What did she tell you?" "Bukod sa sinabi niyang may darating na lalaking magbibigay sa panyo ko... at ikaw pala 'yon, dinagdag niya pa na ikaw rin daw ang magbibigay ng peligro sa buhay ko." Tinitigan niya ako nang diretso, animo'y sinusuri ang bawat sulok ng mga mata ko o sinisisid ang kalaliman sa likod ng mga mata ko. Bakit ba ganiyan siya kung tumitig? Napatikhim ako. Maybe... it's just normal for her. Siguro ganoon din siya kung tumitig sa iba. I don't understand why I'm pissed by just thinking about it. But wait... did she just tell that I'll be the reason that her life will be in danger? "Pero... hindi ka naman mukhang mamamatay'ng tao ah. Pero sabi nila, looks of some people are deceiving daw, eh." Nakaawang lamang ang labi ko. Ngunit kalaunan ay natawa ako sa sinabi niya. Mas lalo lamang akong natawa nang makitang namimilog na naman ang bilugan niyang mga mata like she's so scared for her dear life. "Looks of 'some' people are deceiving, like you said. I'm not one of them," may diing ani ko. Siguro kung ibang tao 'to, I just find myself getting annoyed but since it's her... I smiled a bit as if convincing her that I'm not dangerous. Besides, if that old woman is really a fortune teller, wala namang kasiguraduhan ang sinasabi niya dahil hindi lahat ng hula ay nagkakatotoo. Para naman siyang napapahiyang nag-iwas ng tingin. "Sabagay." Hindi na ako kumibo. Hindi na rin kami nagkibuan kaya naman nakakailang ulit. Pero may tanong akong gustong itanong sa kaniya. Ang buong pangalan niya. My brows furrowed at that thought. Bakit ko naman itatanong 'yon? Am I interested? Hindi ko alam. "By the way, what's your full name? I'm just curious, okay?" tanong ko. Nagdahilan na rin ako dahil baka iisipin niyang interesado ako. Well... maybe I am... a bit. God, this ain't me. Paano ko na mapapanindigan ang rason kung bakit kami naghiwalay ni Elaina noon kung ito ako ngayon... parang nagfi-first move. Nakita ko siyang napangisi, kaya naman biglang nangunot ang noo ko. "Parang ang defensive naman natin?" Tumawa siya. "Oh sige na nga, baka magmaktol ka pa d'yan," natatawang aniya dahilan para mas lalong mangunot ang noo ko at supladong nag-iwas ng tingin. Hindi ako kumibo. I admit that it was embarrassing. "Via Elianna Altarejos nga pala Mr. Ikaw pakilala ka rin para 'di unfair," natatawang aniya habang iniabot ang kamay niya sa'kin para makipag-shake hands. Iniabot ko na ang kamay ko at nang magdampi na ang palad naming dalawa ay parang may naramdaman akong kakaiba. Something that I already felt before... but I don't know how to figure it out. Hindi ko matukoy. It's kinda a paradox. Ako naman ngayon ang napangisi. "Alam mo na ang pangalan ko, right? Because you're interested." Naalala ko pa 'yong first novena mass na sila 'yong nag-serve. Hindi niya yata napansin na nakita kong napatingin siya sa kamay kong may bracelet na panglalaki na nakaukit buong pangalan ko. Natatawa na naman ako sa naalala. Sa totoo lang, mahirap akong patawanin... how come that she can effortlessly make me laugh? Kita ko namang tumaas ang isang kilay niya at mataray akong tiningnan. "Hindi ko alam na ang kapal pala ng face mo. Accidentally ko lang nasulyapan 'yong pangalan mo 'no at... h-hindi ako interesado." Napangisi ako nang mautal siya. "Ah accidentally pero natagalan, okay sabi mo eh," nakangising ani ko, dahilan para mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Naasar na. It was like a beautiful view for me. "'Wag kang feeling." She rolled her eyes. Hindi na ako kumibo at palihim pa ring tumatawa dahil napaghahalataan siya. "May tanong ako... naranasan mo na bang magka-girlfriend? Anong feeling?" she curiously asked, dahilan para matigilan ako't mapaiwas ng tingin. Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot. Naalala ko na naman siya. "Yeah. Ex-girlfriend ko na ngayon. Hindi rin naman nagtagal," mapait na sagot ko, napayuko ako nang maalala na naman 'yon. Para namang nailang siya, kaya naman ngumiti lang ako sa kaniya. "Sorry about that. Pero... do you still love her?" tanong niyang mas lalong nagpatigil sa'kin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung mahal ko pa ba siya? Kung katulad pa ba ng dati ang nararamdaman ko, pero ramdam kong hindi na. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Maybe I'm just only dwelling on the memories that we shared because I feel like they're wasted... and I'm not dwelling on the person anymore. "Yeah," tipid kong sagot. Napansin kong nalungkot ang itsura niya. Iyong ngiti niya ay parang mapait na. My forehead creased. "—pero 'di na tulad ng dati," patuloy ko. It's true. Talagang nasanay lang siguro ako rati sa presensiya niya. Mas lalo pa akong nagtaka nang mapatingin siya sa'kin at parang kumikinang ang mga mata nito. Now, I want to dive into the depth of her thoughts. "Gano'n ba? Siguro, kailangan mo na rin magmove-on, para naman hindi na sariwa pa sa'yo ang mga ala-ala n'yo, 'di ba?" Naniningkit ang mga mata kong napatitig sa kaniya. Kaswal lang naman niyang sinabi 'yon, pero parang ang dating sa 'kin ay magiging masaya pa siya kung maka-move-on na ako. I don't know. And I don't also know why I am happy upon thinking about it. "Oo... ikaw naranasan mo na ba?" I asked. Gulat akong napatitig sa kaniya nang tumitig na naman ito sa akin nang diretso at seryoso. Napalunok ako dahil hindi ako sanay sa ganoong klase ng tingin niya. "Hindi pa. Pero may gusto akong tao na hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit at paano. May gusto akong tao na hindi ko rin alam kung dapat ko bang magustuhan," seryosong saad niya habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. I remained dumbfounded. After she said those words, sakto ring tumila ang ulan. Naglalakad na ako ngayon pauwi. Nagpaalaman na rin kami ni Via sa isa't-isa dahil tumila na ang ulan. My mind is still in chaotic, thinking about her words earlier. May gusto siyang tao, pero sino? I don't know why I'm interested. Sa may gate pa lang ay may nakita na akong isang pamilyar na babae. She's currently yawning like she's been waiting for me for more than an hour. Here I am, standing in front of her... in front of the girl that I'm still in love with — but not the same as before — not crazy that much anymore. It's Elaina. "What are you doing here?" I asked coldly because I saw her body trembling. Posibleng nagpa-ulan. She almost jumped when she saw me already in front of her. She smiled, but far from what I expected, I am not amazed on how she offered her smile anymore... like before. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bumaliktad yata ang mundo. "I just want to see you. I miss you, Lax," aniya at agaran akong niyakap nang mahigpit. I stiffened. Hindi ako nakapagsalita dahil sa ginawa niya. Hindi ako yumakap pabalik dahil nagtatanong pa rin ang isipan ko. Why is she doing this to me? And what did she say? She misses me? God... this is like a temptation. "W-Why? Wala nang tayo kaya bakit mo pa 'to ginagawa?" I asked her out of curiosity. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin, nakita kong maiiyak siya kaya naman nagulat ako. "I'm still in love with you, Lax. Please, come back to me now." Mas lalo pa akong nabigla sa sinabi niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pero tapat ako sa prinsipyo kong hindi ko na babalikan ang mga taong nang-iwan. "I admit that I'm still into you, Elaina, but it's not the same as before. I am not planning on coming back to you because... We're done, right?" I said rhetorically, trying to make her understand. Nakita ko siyang napalunok at ramdam ko ang pagkapahiya niya pero wala akong balak na bawiin ang sinabi ko dahil 'yon ang totoo. "Can we talk tomorrow morning? Still in our usual spot. Nagbabasakali lang akong babawiin mo ang sinabi mo, because I can feel that you're just lying. Tomorrow, 9 AM." Those were her last words before she stepped forward and went away, without hearing my response. That's Elaina. Ayaw niyang 'di siya sang-ayonan kaya uunahan niya na lang sa pag-alis. Although I'm really sure of what I said a while ago— that my feelings for her is not the same as before, pupunta pa rin ako ako bukas, hindi para bawiin ang sinabi ko, but to prove her that it was true and nothing could change my mind. Sa bawat araw, nagbabago ang nararamdaman ng isang tao at papatunayan ko 'yan sa kaniya. Agad na akong pumasok sa bahay. Nadatnan ko naman si Mommy na nag-aalalang napatingin sa 'kin nang makita ako. Hindi pala ako nagpaalam sa kanila kanina, kaya naman alam ko na ang dahilan sa pag-aalalang nakaguhit sa mukha niya. "Saan ka nanggaling, Anak? Kanina pa kita hinahanap," tanong niya habang inalalayan ako papasok sa bahay. "Sa simbahan po, kasunod sa Sitio na 'to. May sinauli lang sa isang kakilala. Natagalan, kasi umulan pa nang malakas at wala po akong dalang payong," sagot ko at ngumiti nang kaunti para mabawasan na ang pag-aalala niya. "Ah, mabuti naman at nakauwi ka nang ligtas." Parang nakahinga siya nang maluwag na sabi niya. "Oo nga po. Papasok na po—" Hindi na natapos ang sasabihin ko nang pinutol agad niya. "I saw you and Elaina talking outside. Nagkabalikan ba kayo?" Nabigla ako sa seryosong boses niya. Napalunok muna ako bago sumagot. "Nakipagbalikan siya, but I refused," sagot ko. Hindi pa rin nagbago ang reaksiyon niya. "Basta tandaan mo, 'wag ka nang makikipagbalikan sa babaeng 'yon, understood?" Kahit nagtataka at kinakabahan sa kung ano man ang dahilan ay tumango pa rin ako. Another unpuzzled question again. Naalala ko 'yong pinag-usapan nila Dad at Mom noon. 'Yong sinabi ni Mom na tama lang na naghiwalay sila ni Elaina. Ano ba talaga ang dahilan, Mom? ***** Via Elianna "Via! Where have you been?" nag-aalalang tanong ni Dad nang makarating ako sa bahay. Inaasahan ko na 'to. Silang lahat ang bumungad sa akin pagkabukas ko pa lang ng pinto. "Sweetie, kanina ka pa namin hinahanap!" "Sus maryosep kang bata ka, sa'n ka ba nagsusuot ha?" "Ate! Akala namin na-tokhang kana! Alam ko bang gano'n nalang ang kaba ko nang makitang wala ka sa k'warto mo, ha?!" Hindi ako nakasagot dahil sa sunod-sunod nilang tanong. Paano ako makakasagot n'yan? Ramdam ko naman talagang sobra ang pag-aalala nila sa akin, nawala ba naman ako ng alas-dos nang walang paalam at makakauwi ako ng alas sais! Oo, gano'n katagal ang ulan. At ganoon din katagal ang moment namin... "Pasensiya na kung 'di ako nakapagpaalam. Hinanap ko po kasi sa simbahan 'yong panyong binigay ni lola sa'kin, eh. Para kasing nahulog ko ro'n, at buti na lang dumating doon 'yong nakapulot, naibigay niya sa'kin 'to," paliwanag ko sabay pakita sa panyo ko para maniwala sila. Baka kasi akalain nilang lumalandi na ako. "You should have at least let us known first, Via," ani Daddy habang nakahawak sa tapat ng kaniyang puso. Napayuko na lang ako. God... they're really that worried. "I'm sorry Dad, Mom, la, at Akemi. Hindi na po mauulit." "Oh siya, sige na! Halina kayo't kumain na. Huwag na kayong mag-alala, nandito naman na ang apo ko!" anyaya ni lola sa amin. Sabay-sabay na kaming pumunta sa dining table at kumain, kanina pa siguro nakahanda itong mga pagkain bago ako dumating. I shot a curious glance at Astrid's usual chair kasi nakita kong wala siya rito. Hindi ko napansin kaninang wala pala siya kasi abala ako sa pagpaliwanag. "Nasaan po pala si Astrid?" tanong ko sa kanila habang patuloy pa rin sa pagnguya. "Nagpaalam kanina na may kikitain lang daw na kaibigan, d'yan sa malapit lang naman daw kaya 'di kami masyadong nag-alala dahil nagpaalam." Si dad, na parang nagpaparinig, diniinan pa ang salitang 'nagpaalam'. Napanguso na lang ako "'Di katulad mo, Ate, hindi nagpaalam! Mabuti pa si ate Ast," nang-aasar na saad ni Akemi. "Sorry na nga eh," nakangusong saad ko. Ilang sandali pa'y natapos na rin kami, kaya naman agad na akong pumasok sa k'warto ko at nag-half-bath. Hindi ko pa pala nabanggit na inanunsiyo kanina sa simbahan na alas kuwatro sa hapon ang misa para bukas, kaya napagdesisyonan namin nila Avy, Liza at Akemi na mag-skate board bukas ng umaga dahil matagal-tagal na rin mula nang laruin namin itong magkakasama. Marunong naman kami dahil tinuruan kami ni Astrid dati. Hindi pa namin nasabihan si Astrid dahil palagi itong tulog, antukin kasi. Pagkatapos kong maghalf-bath ay agad na akong nagbihis at umupo sa kama ko. Napasulyap ako sa mga nagkakapalang photo albums ko na nasa ilalim ng rectangular table ko. Matagal-tagal na rin mula nang magtingin-tingin ako sa mga albums ko. Kinuha ko ang isa sa mga ito at gano'n nalang ang gulat ko nang makitang ito 'yong album na pinakuha sa'kin ni Mom sa best friend niya. Paano 'to napunta rito? Naisipan kong tingnan ang mga pictures dito dahil na-curious ako. Sa unang parte, pictures ito nila Mommy at ng best friend niya noong teenager pa sila. Hanggang sa mapadpad ako sa ikahuling parte ng album. Ako ito noong nasa 5 years old pa siguro... katabi ko ang isang chinitong batang lalaki na nakaakbay sa'kin, pareho kaming malaki ang ngiti, 'di alintana ang pagiging bungi. 'Di ko alam pero pumasok na lang sa isipan ko ang mukha ni Bryle. Napatingin ulit ako sa picture. Bryle?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD