Chapter 15.1

1407 Words
THIRD PERSON'S POV 13 years ago... Nakasimangot ang batang si Laxus habang nakatingin sa kaniyang mga magulang na nakikipagbatian pa sa mga kakilala sa labas ng simbahan matapos ang misa. Naiirita pa ito dahil sa mga nalalanghap na maruming usok dulot ng mga nagtatakbuhang sasakyan na kulang nalang ay magliparan. Ganito araw-araw ang eksena sa Maynila. Mula noong mag-isang taong gulang ay mainitin na ang ulo nito lalo na kung naiinip. His parents just managed to understand him dahil namana rin naman nito ang pagkabugnutin sa ama. May batang babaeng umiiyak habang nakanguso na nakakuha ng atensiyon ng batang lalaki. Naglalakad ito sa gilid ng kalsada, pinapadyak pa nito ang mga maliliit na paa. 'Palagi na lang nila akong pinapagalitan! Hindi nila ako mahal! Si Akemi mahal nila kasi bunso!' pagmamaktol ng batang babae sa kaniyang isipan. Sa unang pagkakataon ay lumambot ang puso ng batang si Laxus nang makita itong umiiyak— like he wants to comfort her until she'll be fine. Dahan-dahan siyang naglalakad papalapit dito. Nasa gitna na ito ng kalsada kaya kinakabahan siya sa kung anong mangyari. Ang kaninang lakad niya'y naging takbo nang makita ang isang sasakyang papalapit dito. "Hoy!" sigaw nito sa batang babae sabay higit sa braso nito para hindi siya mabundol ng sasakyan. Namilog ang mga mata nito nang mapatingin ito sa kaniya. Hindi niya inaasahan 'yon dahil tanging pamilya lang niya ang nakahawak at nakahigit dito. "B-Bakit mo ako hinigit?" gulat na gulat niyang tanong kay Laxus. "Malapit kang mabundol ng sasakyan! Buti na lang naligtas kita!" proud na sagot nito habang nakangiti. Madaling nahawa ang batang babae kaya naman sumilay rin ang ngiti nito sa labi. Isang malaking ngiti. "Marami salamat! Pero... sana natuluyan na lang ako kasi hindi naman ako lab nila Mommy at Daddy!" Napaiyak na naman ito habang nakanguso ang labi. Biglang nag-panic ang batang si Laxus kaya naman bigla niya itong niyakap para pakalmahin. "Hoy, 'wag mo sabihin 'yan... mahal ka nila. Walang magulang na hindi mahal ang anak nila. Mahal na mahal nga ako ng parents ko, eh! Kaya 'wag ka na sad. Sige ka, iiyak din ako rito at sasabihin ko kila mommy na ikaw umaway sa'kin!" Napahawak naman sa maliit na braso ng batang si Laxus ang batang babae nang aamba na itong iiyak. "Hoy, 'wag! 'Di na ako iiyak, promise! Ayokong mapagbintangan!" pairap na sagot ng batang babae. Tumawa lang si Laxus. "Ano pala pangalan mo?" tanong nito. "Via Elianna, ang ganda, 'di ba?" nakangiting sagot nito. "Mas maganda ka!" "Eh, ikaw, ano pangalan mo?" "Laxus Bryle." Ipinakita nito ang bracelet na panlalaki. "Nakaukit dito, oh. Ang ganda, 'di ba?" Nanlaki ang mga mata ng batang si Via. Her lips former into an 'o' dahil sa pagkamangha. "Ganda, wow!" Pumalakpak pa ito sa tuwa. "Via, anak!" "Laxus, anak!" Sabay na napalingon ang dalawang bata nang marinig ang tawag ng mga ina. Nakangiti na ngayon si Via sa kaniyang ina nang marinig mula kay Laxus na mahal naman talaga siya nito. Habang ang batang si Laxus naman, nakangiti lang habang nakatingin kay Via. "Oh my God, Astraea! Mukhang magkaibigan na ang mga anak natin!" masayang wika ni Lazel, ang ina ni Laxus, kay Astraea na kaniyang best friend mula high school. "Yeah! Friends muna sa ngayon, ah, mga bata pa sila. Saka na paglaki ang kasal!" bulong ni Astraea rito dahilan para magtawanan ang dalawa. Mula pa kasi pagkabata ng dalawang magkakaibigan, plano na nilang i-pares ang kanilang magiging anak. Si Via naman ang napili ni Astaraea dahil ka-edad lang nito si Laxus at magkaparehas pa ng araw ng kapanganakan. Kaya naman masaya ang dalawa ngayon nang makitang naunahan sila ng kanilang mga anak sa pagpapakilala sa isa't-isa. "Via, we need to go na." Napanguso ito. "But, Mom, I still want to talk to Bryle! Napataas ang isang kilay ni Laxus. "Bryle?" "Gusto ko kasi itawag sa'yo ang second name hehe. Pwede ba?" "Oo naman! Basta ikaw lang tatawag sa 'kin nun, ha?" Ngumiti lang ang batang si Via. Kahit bungi man ang dalawang ngipin, ginawa niya pa rin ito para sa kaniya. Dumaan ang ilang araw, ang tanging nasa isip lang ng batang si Via ay kung kailan kaya sila magkikita muli ng batang lalaking 'yon. Nais niya itong makalaro dahil wala pa siyang lalaking kalaro dahil puro babae ang kaniyang mga kapatid. "Oh, Via baby, sinong hinihintay mo riyan?" tanong ng kaniyang ina nang makita ang anak na nakaupo sa balcony sa baba na tila may hinihintay. "Mommy, 'di ba best friend mo po 'yong mommy ni Bryle?" "Yes, baby. On the way na nga sila patungo rito." Nagliwanag ang buong mukha ni Via nang marinig ang sinabi ng ina. "Talaga, Mom?" masayang pangungimpirma niya. Nagawa pa niyang yakapin ang ina sa sobrang saya. Dumating din kalaunan ang mag-inang hinihintay sila. Pansin ang malungkot na mukha ni Lazel. Ang anak naman nitong si Laxus ay inosente lang na nakatingin sa paligid pero nang makita nito si Via, ang matagal na rin nitong gustong makita, ay nagliwanag din ang mukha nito. "Oh, Lazel, bakit parang namumugto mga mata mo? May problema ba? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Astraea sa kaibigan. Ang dalawang bata ay naglalaro na sa labas kaya ngayon niya ito tinanong. "Wala na si Papa, Aea, ang ama ni Lucas... wala siyang kasama roon kasi nandito kami. Si Tito Samuel naman nandoon sa Spain nagpari. I decided na roon na sa probinsiya manirahan para mabantayan ang mansion," paliwanag nito na ikinabigla ng kaibigan. "A-Aalis na kayo? Kailan?" Her voice cracked. Malungkot sa pagkamatay ng kinikilala niya ring Tito at sa biglaang alis ng kaibigan sa lalong madaling panahon. "Mamayang alas singko ng hapon ang flight namin." "Mag-ingat kayo, zel. Condolence rin. Magiging maayos din ang lahat," pagpapagaan ng loob na wika ni Astraea sa kaibigan at agad itong niyakap. "Salamat." Sa kabilang dako naman, masayang naglalaro ng habul-habulan ang dalawang bata na animo'y hindi naiisip na ito na siguro ang una't huling laro nila. "Hoy, ang daya mo, Bryle, ha!" nakangusong saad ni Via nang madakip siya. Kinikiliti nito si Via sa tagiliran kaya naman umalingawngaw ang hagikhikan ng dalawa. "Ang cute mo kasing magulat 'pag nadadakip. Ang bibilog ng mga mata mo, hehehe," nakangising saad ng batang si Laxus nang pareho na silang nakaupo sa damuhan ng malaking harden nila Via. "Alam ko! Ikaw, bakit ang liit ng mga mata mo? May nakikita ka pa ba?" biro ni Via. Napasimangot sandali si Laxus ngunit kalaunan ay ngumiti rin ito. Alam ni Laxus na aalis na sila ng kaniyang ina ngunit dahil inosenteng bata pa, tuwang-tuwa pa ito dahil sasakay na naman sila ng eroplano. Pero nang mapatingin siya kay Via na ngumingiti sa kaniya ay bahagya siyang nalungkot. "Via... aalis kami ni Mommy mamaya, sasakay kami ng eroplano! Maganda roon!" masayang wika nito kay Via. Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ni Via at nangingilid ang mga luhang napatingin dito. "A-Aalis ka? Iiwan mo ako?" "'Wag kang umiyak. Promise, babalik ako. Magkikita rin tayo! Babalik ako... at paglaki natin, papakasalan kita para forever na tayong magkasama!" Umurong ang luha ni Via at gulat na napatingin dito. "T-Talaga?" "Oo naman. Basta maghintay ka, ha? Hintayin natin isa't-isa. Promise?" "Promise." Kahit bungi man ang mga ngipin, ang mga ngiti ng dalawa ay wagas. Bago sila maglakad paalis, hinalikan ni Laxus si Via sa pisngi na ikinabilog ulit ng mga mata nito kung kaya't natawa ito. Bago pa umalis ng Maynila ang mag-ina, kinuhaan muna nila ng litrato ang dalawang bata para may ala-ala sa munting panahon nilang pagkikita, para pagdating ng panahon, maaalala nilang minsan na rin silang nagkakilala. Naghintay si Via sa muling pagbabalik ni Laxus ngunit lumubog na lang ang araw sa araw-araw niyang paghihintay, walang Laxus na dumating. She's longing for him, ang bata niyang puso ay nangungulila sa kaniya. Pero wala siyang magawa kundi maghintay gaya na lang ng ipinangako niya. Dumaan ang tatlong taon, their company failed kaya walang nagawa ang mga magulang niya kundi umuwi sa probinsiya kung saan nandoon ang kanilang lola na nag-aalaga sa ancestral mansion nito. Nawala na rin sa isip niya ang batang lalaking 'yon nang magdaan muli ang ilang taon. She focused on her studies kaya wala nang espasyo sa isip 'yon kaya biglang naglaho. Ganoon din naman si Laxus. Nakalimutan at nawala na rin sa isip niya ang batang babae lalo na nang makilala niya ang isang babaeng naging unang girlfriend niya. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD