Continuation... Nagulat ako nang bigla na lang bumulagta sa sahig si Khalil. Ako nama'y napaatras agad hawak-hawak ang dibdib ko na kanina pa tumutibok nang mabilis sa labis na kaba. Namalayan ko na lang ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Muntikan na akong ma-harass. "Gago ka, Khalil! Umalis ka na!" Si Klein pala ang sumuntok kay Khalil dahilan para bumulagta ito. Nakita ko rin ang pagbaba ni Papa sa kotse niya at nag-aalala akong nilapitan. Pero bago pa man siya makarating sa 'kin ay hinawakan nito sa kwelyo si Khalil at sinuntok nang malakas. Halata naman sa mukha ni Khalil ang takot kaya dali-dali itong napatakbo nang matulin. "Via, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Klein. Nanginginig kong pinunasan gamit ang panyo ko ang luha sa mga mata. "Oo..." "

