Laxus Bryle Colegiata de San Isidro (Church of San Isidro), basa ko sa nakapaskil na pangalan ng simbahan na pinuntahan ko ngayon para magsimba. Tatlong linggo na rin ang dumaan mula nang makarating ako rito sa Madrid, Spain. Tumuloy kaagad ako kung saan nakatira ngayon si lolo Samuel na isang pari. Nalaman na rin ni lolo ang purpose ng pagpunta ko rito nang maaga. I suddenly remember my last night with Via. Dobleng sakit ang nararamdaman ko dahil masakit makitang nasasaktan siya nang dahil sa akin. Gustong-gusto ko siyang patahanin sa gabing 'yon para kahit sa paningin niya ay nagiging malakas ako para sa kaniya pero hindi na rin kinaya ang bigat ng puso ko. I do really love my passion and my dream, I do really love to choose the God's calling for me since before at gusto ko ring mak

