Continuation... Nang malaman ni lolo ang pagkamatay ni Via pagbalik ko at ang dahilan ay labis din siyang nagulat at nalungkot. Pagdating lamang ng ikalawang gabing padasal sa lamay ay umuwi siya at grabe rin daw ang iyak niya dahil 'di man lang niya nakasama o nakausap ang tunay niyang apo noong nabubuhay pa lamang ito. "Kuya, hindi pa po nagsisimula si lola sa pagdadasal, ayaw mo bang silipin sa loob si A-Ate?" Dahan-dahan akong napalingon sa kaliwa nang marinig ang tanong ni Akemi. Namumula ang mga mata niya at halata na rin ang eyebags. Naaawa ako sa kapatid. Ako ay ilang araw na nagkulong sa kwarto pero siya, sila, ay pinilit na harapin ang mga araw ng lamay. I am so unfair. Dahil sa labis na naramdamang awa para sa kapatid ay sinang-ayunan ko siya sa tanong niya. Ito na rin nam

