Via Elianna "Mommy, hindi pa rin po ba sumasagot si Astrid sa tawag n'yo? Ilang buwan na siyang walang uwi-uwi rito..." malungkot kong tanong at saad kay Mommy. Mag-isa akong bumisita rito sa bahay dahil miss na miss ko na sila. Bumisita rin pala si Bryle kina Mama at Papa kaya wala siya rito ngayon. Dumaan na lang ang birthday ko noong May 16, hindi pa rin umuuwi si Astrid dito. First year college na pala ako. Ilang buwan na rin ang dumaan mula nang malaman namin at tanggapin namin ang katotohanan. BSED ang kinuha kong program major in social studies, at nagtaka nga ako kung bakit iyon din ang kinuha ni Bryle, eh nag-STEM siya sa senior high. Pero sabi niya na nag-bridging daw siya. I don't know why he did that. Blockmates pa kami. Namula ang pisnge ko nang maalala ang naging pag-uus

