Chapter 14.1

1443 Words
Via Elianna "Pero, Mom-" angal ko pero inilipat na niya agad-agad sa mga kamay ko ang mga salad na dala niya. "Sige na, Via. Be good to our visitors and honored altar-servers na nag-se-serve sa simbahan para sa ating fiesta. Kanina ka pa kasi nakasimangot sa kanila. Bakit nga ba, ha?" Wala na akong nagawa nang matapos niyang kunin ang plato sa mga kamay ko ay tumalikod na siya. Mommy naman! Nakasimangot akong naglalakad ulit pabalik sa sala. Napalingon pa silang lahat sa 'kin kaya naman hindi ko pinakitaan ng reaksiyon ang mukha ko. "Na-miss mo ba ako, Via?" pang-aasar ni Lloyd, dahilan para irapan ko siya. Nagtawanan naman agad ang iba, pero nakita ko sa gilid ng mga mata ko na sinamaan ito ng tingin ni Bryle. Selos ka? Che. Wala akong pakialam sa kung ano mang reaksyon niya. "Hindi. Napag-utusan lang," sabi ko habang nilalagay ang dala sa ancestral table sa gitna ng mga sofa. "Awww," rinig kong ma-dramang ani ng mga kasama niya pati na rin 'yong isa pa nilang kaibigan ni Bryle na hindi ko alam ang pangalan. Parang mga aso. "Kuha na lang kayo, ha? Kain well," nakangiting saad ko at nagsimula nang humakbang. Hindi pa ako nakakalayo ay may humablot nang mahina sa braso ko. Nilingot ko ito at laking gulat ko nang makitang si Bryle ito. Ramdam ko agad ang malakas na kabog ng puso ko dahil sa ginawa niya. Naiilang ako nang napatingin sa mga kasama niya nang marinig ang mahinang pangangantyaw ng mga ito sa amin. "Pwede ba kitang makausap?" tanong niya. Sa simpleng tanong na 'yon ay para akong na-estatwa sa kinatatayuam ko. Naging mahina rin ang bawat paglunok ko. "P-Pwede naman." s**t! Ang rupok ko! Binitawan na rin niya ang braso ko at sumunod sa aking naglalakad patungo sa balkonahe rito sa baba na walang tao. "Bakit hindi ka naghanda ng bulaklak para manligaw, Lax?" "Bakit hindi mo sinabing manliligaw ka na pala, Vilmonte? "'Wag ka mahiya, bro!" Napasapo pa ako sa aking noo dahil sa mga pang-aasar ng mga kasama niya. Leche plan! Paniguradong hindi maririnig 'yon nila mommy at sa kung sino mang tao ang mga naroroon sa may kusina dahil medyo may kalayuan naman ang sala rito. And it was better! Dahil kung hindi, sure akong nonstop na aasarin ako ni Mommy dahil sabi pa nga niya, pwede na raw akong magka-boyfriend. "Don't mind them," rinig kong usal nitong katabi ko. Sariwang hangin agad ang sumalubong sa amin nang makarating sa veranda dito sa baba. Malayo ito sa sala at kusina kaya mabuting mag-usap dito para walang makarinig. Dumistansiya rin ako sa kaniya nang kaunti, ganoon din siya. Tumango lang ako sa kaniya. "So, anong pag-uusapan natin?" naka-cross arm kong tanong sa kaniya habang siya'y nakahawak sa railings. Napalundag ako nang tinitigan na naman ako nito nang diretso. As usual, namilog na naman ang mga mata ko. "I w-want to apologize sa mga nasabi ko kahapon. I'm sorry. I judged you right away not knowing kung ano talaga ang nangyari," sinserong aniya dahilan para biglang lumambot ang puso ko. "H-Hey, stand up," hindi mapakaling ani ko nang makitang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko. Oh my God! Para akong santo na sinasamba niya! Ganiyan ba talaga siya ka-maginoo? "I'm sorry... alam kong nasaktan ka sa mga sinabi ko. Humingi na rin ako ng tawad sa Panginoon dahil sa kasalanan ko. I'm sorry, Via." Nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya. He's so sincere, I can feel it... God, ang rupok ko. "Sorry, Via, hindi ko sinasadya." Mga salitang bumabalik sa isipan ko na para bang nakarinig na rin ako ng gano'n dati, habang pinapakinggan ang mga iniusal niya. "Stand up first, please, Bryle. Sige ka mag-ta-tampo na naman ako," kunyaring pananakot ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya para alalayang tumayo. I bit my lower lip upon feeling how soft his hand is. Sinunod niya naman ang sinabi ko. He bit his lower lip and looked away. "You're forgiven, Bryle. Kung ang Panginoon nga, kayang magpatawad, ako pa kaya na tao lang?" nakangiti kong wika pero dahan-dahan nang tumulo ang luha sa mga mata ko nang maalala ang malulungkot niyang mga mata kanina lang. Ano ba 'yan! Nakakahiya. Umiiyak pa ako! Ang rupok ko pala talaga. Napangiti siya nang tinitigan ulit ako. Mas lalong sumingkit ang mga mata niya. "I know that God is really inside your heart. Thank you for forgiving me, Via." Pinunasan ko na ang luha sa mga mata ko at nginitian ko ulit siya. "You're welcome. Kumusta si Laxine?" tanong ko habang ang paningin ay nasa harapan na. Wala na akong lakas ulit para titigan siya. "Nagtatampo sa akin dahil na rin sa mga nasabi ko sa 'yo." Nagulat ako sa sinabi niya. "Maybe because she knew what really happened kaya ganoon na lang ang reaksiyon niya sa 'yo. He looked at me with those guilty yet manipulative eyes again. "That's why I'm really sorry... alam mo bang pupuntahan sana kita sa inyo kahapon pero nakita kita sa plaza na masaya, so I really expected na it was just okay with you, pero nang makita ulit kita ngayon na iniiwasan ako, guilt crept within me again." Bahagyang namilog ang mga mata ko. "T-Talaga? Bakit mo naman gagawin 'yon? P'wede namang ipagpabukas na lang?" Hindi niya ako sinagot. Nag-iwas lang siya ng tingin na parang ayaw pag-usapan 'yon. Tulala ako sa sala kahit dalawang oras na ang nakalipas mula nang magkausap kami ni Bryle. 'Di pa rin kasi talaga ako makapaniwalang pupuntahan niya dapat ako sa amin kahapon. "Ate!" Narinig kong tawag ni Akemi mula sa labas. Kanina pa nakauwi sila Father at ang mga sakristan niya. Nilingon ko ito at nakitang kasama niya si Astrid. "Bakit?" Pareho silang nakangiti nang umupo sa magkabilang tabi ko na ipinagtaka ko. "Naks! 18 ka na pala bukas, ah!" nakangiting ani Astrid habang tinatapik nang mahina ang balikat ko. Oo nga pala. Birthday ko na bukas. Dito lang sa bahay ang venue, gaya ng napag-usapan namin. Dito rin kasi sa bahay nagdaos ng debut ni Astrid last year kaya alam kong kasya. We invited our relatives, cousins both sides, mga ka-close ko ring schoolmates na babae, mga kaibigan ko s'yempre, sila Avy at Liza. At iilang business partners din ni Dad. May sinabi sila kahapon na inimbita rin daw ang family ng magiging escort ko, which is I don't even know kung sino, hindi rin nila ako binibigyan ng clues. Baka malaman ko na lang na in-arrange marriage na pala ako. Chos. Well, sana sa anak ng isang bilyonaryong CEO! Napangiti ako. "Oo nga. Feel ko na ang legality!" "Oh, tapos wala ka pa ring jowa!" pang-aasar ni Akemi. Dumila pa kahit 'di bagay. Para siyang batang instik na nang-iinggit ng bubblegum na kinakain tapos may color violet ang dila. "Aanhin ko naman 'yan? Magiging excess baggage lang 'yan sa buhay ko!" sabi ko naman, pero napatigil nang mapatanong... may pag-asa kayang maging kami ni Bryle? Che... ang assuming ko talaga! "Talaga ba?" Nilingon ko si Astrid na naniningkit ang mga mata. Kainggit talaga ang pagiging singkit nilang dalawa. "Aba ewan din, hindi ko pa naman nararanasan 'yan!" "Pero naranasan mo ngayon ang magkagusto, 'di ba?" Natigilan ako sa sinabi niya. Sa inaakto niya, parang nakahalata na rin siya. Wala rin namang masama kung sasabihin sa kanila. Sisters talk lang ba. "Oo..." "Huy, ate! Sino 'yan? 'Yan ba 'yong shi-ni-ship ko sa'yo?" Kumunot ang noo ko. "Sinasabi mo?" "Sino 'yan, Via? May ideya na ako pero gusto kong marinig mula sa'yo." Si Astrid habang tinititigan ako. "Ahm... 'y-yong si Laxus, kuya ni Laxine. Kilala n'yo na, 'di ba? 'Yong s-sakristang kinuwento ko sa inyo kahapon sa simbahan," halos magkanda-utal-utal kong sagot. "Ayieee! Sabi ko na nga ba, Ate! May tinatagong landi ka rin pala sa katawan, ah!" Nakita kong natigilan si Astrid pero kalaunan ay ngumiti kaya nakahinga ako nang maluwag. "Just as I thought. I know, noong una pa lang. Kaya minsan parang naiinis ako sa 'yo dahil... may kakilala akong ahead ng 7 years sa'kin, nagka-boyfriend ng isang sakristan pero nagpari, kaya they broke up. Pinapaalalahanan lang kita na 'wag masiyadong ma-attach. 'Wag mong hahayaang mas mahulog ka pa, baka matulad ka sa kakilala ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi nga ba lalalim 'to? "Ang bongga naman ng advice mo, 'te!" natatawang ani Akemi. Astrid just glared at her. Para akong nakakita ng magkambal na magkaiba ang ugali. Para kasi talaga silang pinagbiyak na buko. Akemi's the jolly one and Astrid's the serious type. Minsan lang jolly itong si Astrid at nagiging joker din minsan. Lumalamang lang talaga ang pagiging seryoso niya. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD