Pagdating sa kotse, pinangunahan agad ako ng sermon ni Louie. “Tandaan mo, ayoko nang may istorbo habang nagmamaneho ako. Naiintindihan mo ba?!” tanong niya, at sa galit na tono ng pananalita n’ya, ay wala ako’ng nagawa kung `di tumango. “Bawal lumampas sa upuan mo ang kamay mo, naiintindihan mo ba?” tango `uli. “`Pag `yan lumampas, pipitpitin ko `yan at pabababain kita ng kotse, maliwanag ba?” “Opo.” Binuhay na n’ya ang makina at inilabas ang kotse. “Pano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?” tanong ni Louie. “Tinanong ko kina Ate Sol!” masaya ko’ng sagot, akala ko kasi `di na ako kakausapin ni Louie buong byahe. “Ah, ganon? `Yan talagang mga bantay mo, puros mga kunsintidor!” sabi n’ya na mukhang galit. “A-ay... hindi naman... actually, pinilit ko sila’ng sabihin sa `kin ku

