Nagising ako kinabukasan sa katok sa pinto. “Josh, bangon na, mag-ayos ka na at ihahatid na kita sa inyo,” tawag ni Louie na `di man lang pumasok sa kuwarto. Umikot-ikot ako sa kama at sininghot ang suot ko’ng oversized pajamas. Binigay n’ya `to sa `kin kagabi para isuot, matapos ko’ng magpunas at maghilamos. Amoy Louie ito! Kaya buong gabi, feeling ko, nakayakap sa `kin ang Louie ko! “Josh?” tawag `uli ni Louie, “Gising ka na –” Binuksan ko ang pinto bago pa n’ya matapos ang tanong n’ya. ”Goodmorning!” bati ko sa kan’ya. Nanlaki ang mga mata ni Louie na tinutubuan na ng balbas sa mukha. Gulo-gulo pa at nakatayo ang buhok n’ya at lukot ang suot n’yang pangtulog. Bumaba ang tingin n’ya at sinundan ko `yun sa nakalabas ko’ng balikat at pababa pa sa mga binti ko. Hindi ko kasi sin

