Nang gabi’ng `yun, kinausap ako nina Mama at Dad. “Sabi ni War, pinilit mo raw s’ya pumasok sa kuwarto mo,” sabi ni dad. “Naamoy ka raw n’ya kaya `di s’ya nakapagpigil sa sarili.” “Ho?!” nagulat ako sa sinabi n’ya! ”S-si War po ang pumasok sa kuwarto ko! Sabi po n’ya tutulungan n’ya `ko, kasi...” natigilan ako. “Kasi ano?” “Kasi... parating na estrus ko... kaya tinulungan n’ya ako’ng magbihis...” “Ano? Nagpapasok ka ng alpha sa kuwarto mo, eh alam mo’ng may estrus ka?!” galit na bulyaw ni Dad. Napakagat ako sa labi, nagpigil ng luha. “Josh, `di ba sabi ko sa `yo, `wag kang maglalalapit sa mga Kuya mo, lalo na `pag in heat ka?!” mahinahon na sabi ni Mama. “`Di ba’t kabilin-bilinan din namin na `wag kang papasok sa kuwarto nila? Dapat `di mo rin sila pinapapasok sa kuwarto mo!” “J

