Matapos ang last subject namin ay ipinatawag ako ni Principal Villa sa kan’yang office sa PA system. Nakakahiya nga, eh! Rinig na rinig sa buong campus ang pangalan ko! “Hmph, ano nanaman kaya ang irereklamo n’ya ngayon?” rinig ko’ng bulungan nina Sara sa paglabas ko ng classroom. Pagdating ko sa Principal’s Office, nasa loob na si Louie. “How was your classes?” tanong n’ya sa `kin. “Okay naman po...”napatingin ako kay Principal Villa na as usual, ay seryoso ang mukha. “Good afternoon po, Principal Villa.” bati ko rito. “Good afternoon. Take a seat.” Inilabas niya ang ilang mga papers. Namukhaan ko ang mga examination sheets ko. “I have here, Joshua Safiro’s midterm exams,” sabi ng principal, “and I am happy to say that he has made a lot of improvement.” Lumaki ang ngiti sa mu

