Part 25 "Hindi siya sumipot sa kanyang kasal at bigla na lang nawala! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin!" Noong marinig ko ang sinabi ng inay ni kuya Owen ay nakaramdam ako ng pag-aalala. Hindi naman iyan maiiwasan dahil mahal na mahal ko si kuya Owen. "Na-natawagan niyo na ba siya o natanong niyo na po ba siya sa mga taong malapit sa kanya?" nauutal kong tanong sa kanila. "Ikaw lang ang alam naming malapit sa kanya dito,Jin at hindi niya sinasagot ang tawag namin sa kanya kaya sa'yo kami dumeretso," sagot ni sir sa akin. "Humingi na lamang kayo ng tulong sa mga pulis kapag hindi siya nakita sa loob ng isang araw. Siguro naman ay magpapakita rin siya kung kailangan," sabat naman ng aking ama na siyang nagpagulat kina sir at ma'am. "Mr. Alvarez? " gulat nilang tanong nang makilala

