Part 24 Napatayo ako nang matuwid nang makita ko ang isang lalaking mabilis na lumabas ng sasakyan at naglakad palapit sa akin. Agad niya akong niyakap at kinamusta na sinagot ko naman. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta at sinabi kong patungo ako sa ospital. Inaya niya akong sabay na kaming pumunta doon na sinang-ayunan ko naman. Habang nasa byahe kami ay marami siyang naging tanong sa akin. Kung ano ang nangyari ,tungkol sa kondisyon ni lola at tungkol sa aking kalagayan. Ikwenento ko sa kanya ang lahat at pagkatapos ay naramfaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. Sa pagyakap niya ay bigla akong napaluha kaya agad niya akong tinanong kung meron bang problema. "Wala, naiisip ko lang si lola, 'yung mga gastusin sa ospital at kung ano ang mangyayari sa amin ni lola, "sabi

