Part 23 Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at pinuntahan namin kung nasaan ang aking lola. Pagpasok namin sa gusaling ito ay deretsyo kami sa Information Desk para tanungin kung nasaan ang aking lola. Agad naman nilang sinabi kung anong kwarto kaya mabilis kaming nagtungo dito ni kuya Owen. Pagpasok namin sa kwarto ay nakita namin si lola na nakahiga sa isang puting kama. May mga nakakabit sa kanyang katawan at may benda sa kanyang ulo. Nilapitan ko si lola sa kanyang kinalalagyan habang dumadaloy ang aking luha. Naninikip ang aking dibdib, bumibilos ang t***k ng aking dibdib at naghahabol ako ng hininga habang naglalakap palapit sa kanyang kinahihigaan. "Lola, anong nangyari? Bakit ka nandyan? Huwag mong sabihin na iiwan mo na ako?" naluluha kong tanong sa kanya. Nakahawak la

