Prologue: Ready to Work
The contents of this story are all fictional by the author. Whatever the similarity of the words used and the names of people, animals, places and events are only coincidental and unintentional.
Readers must be 18 years of age or older only. There are words used that are unusual, sensitive and inappropriate for minors.
Thank you.
luckygirl
*****
Stephanie's POV
Imprente akong nakaupo sa visitor's chair habang hinihintay ang resulta ng ginawang medical examination ni Doktora Joyce sa akin. Maya-maya ay tumayo na siya na hawak ang isang papel na pinagsulatan ng aking medical check-up. Umupo sa kanyang mesa na katapat ng aking kinauupuan saka ibinaba ang papel sa mesa na nasa pagitan namin.
"Okay, as I see the result of your final medical examination, you are very fit!
Means you can start to work, dear, Stephanie," wika ni Doktora Joyce ang aming Family Doctor.
"Thank you po, Doc."
"You are most welcome, dear."
Wala na siyang ibang eksplanasyon hinggil sa aking kalusugan dahil maliwanag ang kanyang sinabi. Oo nga, dahil wala naman na akong naramdaman, tuluyan na akong gumaling. Masaya ako para sa aking sarili dahil nalampasan ko ang isang pagsubok sa buhay ko at iyon ang car accident. Malaki ang pasasalamat ko sa aking mga magulang dahil hindi nila ako pinabayaan.
Lumabas ako ng opisina ni Doktora Joyce sa hospital na kanyang pinagtatrabahuan na hawak ang resulta ng aking medical examination. Nagtungo ako sa may waiting area at umupo para hintayin si Daddy. Month ago ng naaksidente ako, mula nuon hatid-sundo na ako ni Daddy. Hindi pa ako pinapayagan na magmaneho muli ng aking sariling sasakyan.
Hindi naman ako nainip na maghintay dahil may TV sa aking harapan. Besides, maganda ang movie at napanuod ko na 'yon dati. Naka-mute nga lang kaya hindi marinig ang boses. Iginala ko ang aking mga mata at kukunti pa lang ang mga tao.
Makaraan ng ilang minuto ay tumawag sa akin si Daddy na nasa labas na ng hospital at hinihintay na niya ang aking paglabas. Tumayo ako para lisanin ang waiting area. Sa hindi inaasahan, nahulog ang aking hawak na plastic envelope na kinalalagyan ng aking resulta. Agad akong yumuko para pulutin ito ngunit nakita kong umangat ito sa harapan ko pero hindi ang aking kamay ang nakahawak.
Kumunot ang noo ko sa aking nakita, isang magandang pares ng signatured rubber shoes na kulay puti at kulay asul na jeans ang suot na pang-ibaba. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin at hindi nakaligtas ang bawat parte ng katawan ng isang lalaki. Mula sa kanyang paa, tuhod, at sa kanyang hita. Mas lalo akong napakunot ng aking noo dahil may maumbok pa sa kanyang hita.
Napalunok na lang ako bigla ng maisip ko kung ano ang nanduon. Ipinagpatuloy ko ang paglandas ng aking paningin sa kanyang kabuuan. Kahit natatakpan ng kulay asul na polo shirt ay bumakat ang maskulado niyang katawan. Nakatayo sa aking harapan ang guwapo, maputi at matangkad na lalaki,higit sa lahat matangos ang kanyang ilong.
Pinagmamasdan ko pa siya ng iniabot sa akin agad ang plastic envelope na kanyang pinulot. Duon lang ako natauhan at kinuha mula sa kanyang mga kamay. Agad ko naman inabot at nagpasalamat sa kanya. Natulala pa ako ng tumingin sa aking mga mata, sumalubong ang malungkot niyang mga titig.
"Are you done checking me out, Miss?"
Sa baritonong boses na nakapagtaranta sa akin.
"No, I'm not!"
Palusot ko dahil hindi ko naman sinasadya na hagurin ko ng tingin ang kanyang katawan. Nataon lang naman ito dahil ngayon lang ako nakakita ng maskulado. May mga kaklase ako nuon na mga lalaki pero hindi kagaya niya ang kanilang katawan. Sensitive ata ito sa tingin!
"Really? Anyway nice to meet you, Miss, I'll go first."
Umalis na ito ng hindi pa ako nakasagot sa kanya. Mabilis siyang maglakad kaya mabilis din na nawala sa aking paningin. Nagbaba ako agad ng tingin ng mapansin ko na may mga tao na pala sa loob ng hospital na nakatingin sa akin. Nakatitig lang ako sa plastic envelope na hawak ko.
Nagbuga ako ng hangin sa kawalan. Di maalis sa aking isipan ang hitsura ng lalaking iyon. Pumikit pa ako saka nagmulat ng mata. Lihim akong napangiti sa aking sarili. May kakaiba na aking naramdaman na hindi ko mapangalanan kung ano 'yon.
Nagmadali akong lumabas sa hospital at nakita ko ang kotse ni Daddy na nakaparking sa harap ng hospital. Lumapit ako rito at sumakay. Ikinabit ang aking seatbelt saka tumingin kay Daddy.
"Hello Daddy!"
"Hello, hija! How's your check-up?"
"Everything is good! I am fit to work, Daddy."
"Very good, hija! Let's go home."
Pagdating ng bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto, habang ako ay nagpapahinga ay ng kinatok ako ni Daddy. Pinagbuksan ko siya at pinapasok sa loob ng aking kwarto. Naupo kaming dalawa sa may mahabang couch sa sala ng aking kwarto. Pinakita sa akin ang mga litrato ng mga aplikante na mga body guards ng isang ahensiya para daw makapili ako.
Tiningnan ko ng paisa-isa ang mga profiles na laman ng isang tila album ng mga aplikante. Iba't-ibang kaguwapuhan ang aking nakikita. Minsan napapailing ako, minsan naman ay nakangiti habang binubuklat ko ang kanilang resumes. Hanggang sa natapos ko ay wala akong napili.
"Daddy, why you need to hire in the agency, better ask recommendations some of your friends. Maybe it is safer for me dahil kilala ninyo."
Pagreklamo ko kay Daddy dahil wala akong nagustuhan sa mga pinakita sa akin. Hindi naman ako pihikan ng magiging bodyguard. Ang gusto ko ay mapagkatiwalaan dahil makasama ko araw-araw. Tapos driver ko pa, hatid-sundo ako sa aking condo unit.
"Subukan kong kumausap sa mga kaibigan ng pamilya natin. For the meantime tayo muna ang magkasabay sa pagpasok sa trabaho."
"No problem. Thank you, Daddy!"
Kinabukasan ay magkasabay nga kaming pumasok sa trabaho ni Daddy. Aliw na aliw ako sa mainit na pagtanggap ng mga empleyado sa akin. Ang iba ay halos kapareho ko ng edad, mga bata pa at bihira sa kanila ang may edad na. Magaan ang pakiramdam ko na makasama sila sa trabaho.
Malapad na ngiti ang nakikita ko kay Daddy dahil sa pinakita ng mga employees sa akin. Simula pa nuon ay likas na mabait si Daddy sa kanyang mga tauhan. Kaya malaki rin ang respeto na natanggap ng pamilya Alonzo, at damay ang kanyang mga empleyado. Ipinagmamalaki ko ang aking apelyido.
Pagkatapos ng pagpakilala ay nagsimula na kami sa aming trabaho.
Maghapon akong nakatutok sa aking bagong trabaho bilang staff na inatasan ni Daddy. Bagamat gusto ni Daddy na ako ang susunod sa pagiging CEO ay kailangan kong dumaan sa proseso.
Malayo pa ang lakbayin ko bago mapunta sa posisyon ni Daddy.
Napansin ko na lang na alas-singko na pala ng hapon. Nag-retouch ako sa aking mukha bago umalis sa opisina. May mga ibang empleyado na paalis na rin sa kanilang department. Nakisabay na ako sa kanila sa lift o tinatawag na elevator.
Naghihintay si Daddy na naabutan ko sa may lobby. Nakasandal ang likod, naka de- kwatro sa mahabang couch habang nagbabasa ng newspaper. Nag-angat ng tingin dahil alam na alam ang aking scent na ako ang dumating. Ngumiti ako sa kanya ng makita ako.
"Ang sipag naman ng dalaga ko!" pagpuri niya sa akin ng matapat ako sa kanya.
"Siyempre Daddy nagmana ako sa inyo," kasabay ng aking paghalik sa kanyang pisngi.
"Let's go home, Daddy, I miss Mommy."
Tumayo na si Daddy at naunang naglakad, sumusunod ako sa kanyang likod. Sa edad na forty-five, matikas at alaga ang katawan sa gym. Siya ang nagmamaneho ng kanyang sariling sasakyan at bullet roof ito para ligtas siya pati ako. Siya ang Chief Executive Officer o CEO ng Alonzo Wellness Incorporated.
Ang Alonzo Wellness Incorporated ay isang distributor na kompanya ng health and wellness na produkto gaya ng natural beverages na kape, pampayat na inumin at mga pampaganda. Marami ang sangay dito sa Pilipinas at maging sa iba't-ibang bansa. Libu-libo ang mga "Independent Distributors" ang sumasali araw-araw dahil patok sa mga Overseas Filipino Workers.
Kapwa doctors ang aking mga magulang ngunit pagdating sa amin ay may sarili rin kaming doctor, hindi kasi pwede na sa lahat ay sila ang gagawa.
Pinamumunuan naman ni Mommy ang, "Alonzo Charity" na siyang tumutulong sa mga less fortunate. Nasa Tagaytay ang opisina nito at duon pinoproseso at dinadala ang lahat ng tulong para sa mga nangangailangan. Meron itong sinusuportahan na "Orphanage." Kaming pamilya ay laging kasama sa bawat activity ng charity.
Mayayamang pamilya ang nagdadala ng kanilang tulong sa Alonzo Charity, some other kind at minsan ay pera. Ako naman ang nagdadala sa orphanage para makasama ang mga bata duon. Masaya sa aking pakiramdam na makasama sila at makita ang kanilang mga ngiti. Masarap sa pakiramdam na tumulong lalo na sa mga bata.
While, on our way home, Daddy told me na pwede na akong tumira sa aking condo unit. Ngunit hindi muna ngayon dahil maghanap pa ng i-hire na magiging driver-bodyguard. Hindi ako umimik sa sinabi ni Daddy sa halip ay taus-puso ang aking pasalamat. What else I can ask for?
Minsan, iniisip ko napaka-over protective naman ang mga magulang ko sa akin. Di naman ako naggagala, nang dahil lang sa aksidente nuon ay kinailangan ko na ng bodyguard. Sabagay para sa akin naman ang ginagawa ni Daddy. Para sa aking kaligtasan, sino ba naman ang magulang na ayaw ibigay ang proteksiyon sa anak?
"So Daddy, habang wala pa akong body guard, medyo matagal-tagal pa ang pagsabay ko sa inyo. So ienjoy ko na muna."
"Yes, naman, hija, turuan kita para marami ka pa matutunan at makabisado mo ang pasikut-sikot sa trabaho at maging sa negosyo. Hindi naman sa nagmamadali pero mas maaganda na iyong maaga ka matuto."
"Okay, Daddy, I will follow you."
Ganito ba talaga na kapag nakatapos na sa kolehiyo ay dapat mag-trabaho agad? Hindi ba pwede na magpahinga muna? Totoo nga, na kapag nakatapos na sa pag-aaral ay duon pa lang magsimula ang buhay ko.
This is the beginning of everything!
Pwede naman na hindi muna ako magtrabaho, pero ano ang gagawin ko sa buhay ko?
Mamasyal na lang ba? Gagastos ng pera?
May sarili naman akong pera, so what!?
Napataas ang kilay ko sa aking mga iniisip.
Mabuti nga at hindi ko pa naisatinig baka isipin ni Daddy na nababaliw ako.
Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang anuman sa utak ko.
Inaliw ko ang aking sarili sa pamamgitan ng pakikipag-usap kay Daddy habang nagmamaneho.
Kada Biyernes ng hapon ay umuuwi kami ng Tagaytay. Iyon ang schedule namin ni Daddy sa pagbisita sa Alonzo Charity para mamonitor ang mga tauhan.Tandem ang magulang ko sa lahat ng bagay kaya maayos ang pamamahala sa mga negosyo.
Bagay na aking hinahangaan sa aking magulang kaya bilang ganti sa kanila ay ang pag-aaral ko ng maayos nuong kolehiyo.
Nakarating kami sa aming mansion, nagtungo muna ako sa may garden dahil gusto ko makita ang magagandang bulaklak. Dito nanggaling ang preskong hangin kasama na rin ang singaw ng tubig sa swimming pool. Umupo ako sa gazebo sa gitna ng Hardin habang nakapikit.
Pinapahinga ko ang isip ko dahil ngayong araw ay nakatutok ako sa aking trabaho. Ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa aking mukha. Nag-inhale at exhale ako para malanghap ko pa ito lalo. Sumasama ang amoy ng mabangong bulaklak.
Biglang nag flashed sa aking mukha ang hitsura ng lalaking nakausap ko kahapon sa Hospital. Napaka-seryoso ang kanyang gwapong mukha. Siguro kapag nakangiti ay mas lalong gwapo ito. Ano kaya ang kanyang pangalan?
Base sa aking naobserbahan, army cut ang kanyang gupit na bumagay sa kanya. Napakunot ang aking noo dahil naalala ko kung paano niya ako tinitigan.
Ngunit ang kanyang mga titig ay malungkot. Kung sana may magawa lang ako para pawiin ang kanyang lungkot.
"Ano ba 'yan, Stephanie?" Pagsita ko sa aking sarili. Bakit ko ba siya iniisip?
Ni hindi nga ako iniisip samantalang ako nag-aaksaya ng oras sa kanya. Lumabi ako at umirap sa hangin.
Naiinis akong pumasok sa loob ng bahay, nagulat pa ako dahil nasa sala si Daddy. Nakabihis na siya ng pantulog habang nanunood ng TV. Nilagpasan ko siya para magtungo sa aking kwarto. Hindi pa naman ako nakakalahati sa hangdan ay nagsalita si Daddy.
"Bakit ganyan ang hitsura mo?"
"Ang alin po?" Humarap ako kay Daddy habang nakatayo sa hagdanan.
"Para kang naiinis? Bakit may kaaway ka ba? Pati pag-akyat sa hagdan padabog?" Mahaba at sunud-sunod na tanong ni Daddy.
"Ah nope! I'm not angry Daddy!" Gumuhit ang isang pekeng ngiti sa aking labi.
"Daddy!?"
Tumaas ang aking kilay ng nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. My Daddy knows me well. Alam niya kung naiinis ako at hindi. Mag-ama nga kami.
Umiling-iling pa siya bago ibinalik ang tingin sa TV. Nagpatuloy akong umakyat papunta ng aking kwarto. Pagkasarado ko ay agad akong nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan.