Stephanie's POV Pagdating namin ni Carl ng Orphanage ay agad kami pinapasok ng madre na nangangalaga sa mga bata na kinabibilangan ni Dahlia. Inasikaso kami ng madre saka kami pinayagan sa tanggapan ng mga bisita at naroon ang mga bata. Nakaalalay sa akin si Carl at halos dikit na ang aming katawan ng nakatayo kami sa may pinto. Sabay kaming lumitaw sa harap ng mga bata. Nang makita kami ay nagtatakbuhan ang mga bata at yumakap sa aking hita. Hindi ko napansin kung sinu-sino ang mga bata na yumakap din kay Carl basta ang narinig ko ay may tumawag sa kanya ng kuya. Sa mga unang sumalubong sa amin ay wala si Dahlia kaya iginala ko ang aking mga mata pagkatapos ko bumati at guluhin ang kanilang mga buhok. Oh, there she is naglalakad na papunta sa gawi ko ng dahan-dahan. Nakatitig sa akin

