Carl's POV Mabilis ang mga hakbang ko na umalis sa condo unit ko. Pagdating ng parking lot ay binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko sa likod saka ko ibinaba ang mga gamit. Sinarado ko ang pinto pagkatapos ko ilagay ang mga gamit ko sa back seat. Pag sarado ko ng pinto ng driver's seat ay umayos ako ng upo. Binuhay ko ang makina ng aking sasakyan ngunit hindi ko pa inapakan ang gas. Nanatiling nakaandar ang sasakyan habang kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon. Binuhay ko ang cellphone at ni-dial ang numero ni Stephanie at itinapat sa tainga ko. Narinig kong nag-ring ang kabilang linya ng tatlong beses. Sumunod ang tunog ng pag pindot ni Stephanie ng answer button. Inunahan ko magsalita. "Babe, good morning! I'm coming to your condo unit. How are you? I miss yo

