Carl's POV Literal na tumulo ang laway ko sa amoy ng letson. Siya naman ang pagkulo ng aking tiyan na narinig naming tatlo kaya nakita kong ngumiti ang magulang ko. "Hijo, can you let us come in," pakiusap ni Mommy na siyang nag balik sa aking ulirat. Tinanguan ko si Mommy at lumihis para bigyan ng daan at tuluyan silang makapasok. Pagka sarado ng pinto ay sumunod ako sa kanila sa kusina. Nasa kalan agad si Mommy ng nakita niya na may nakasalang. Nakita ko itong tinikman niya ang niluluto ko. Magsasalita pa sana ako ng unahan niya ako. "Have a seat,hijo, ako na ang bahala rito sa niluluto mo. Gusto ko rin ng may sabaw." "Bakit ano ba ang niluluto ng anak mo?" Tanong ni Daddy habang inaayos ang mga dala nilang ulam at nilalagay sa dining table habang ako ay nagtungo sa cabinet na gla

