Stephanie's POV Pagkatapos ng aming kumustahan at konting usapan ay nagpaalam na ako sa aking mga kaibigan para maunang umakyat sa opisina namin. Tumayo ako at naalerto naman si Carl. Tumango ako sa kanya na ibig sabihin ay okay na kaya nauna na siyang naglakad at di na siya nagpaalam sa mga kaibigan ko. Tuluyan namin iniwan ang mga kaibigan ko sa lobby at sinabi naman nila na susunod sila agad kaya nauna na kami. Pagdating namin ng opisina ay naroon na si Lawrence at nagsisimula na siyang magtrabaho. "Hindi ko kayo nakita sa cafe," ani ni Lawrence sa amin. "Nagpunta kami sa restaurant kumain kasama ang CEO," sabi ko na nakangiti. "Oh," Sabi ni Lawrence at kumibot pa ang labi. "Sige, maiiwan na kayo dito ni Carl dahil papasok na ako sa loob." Pagpaalam ko sa kanilang dalawa. Diret

