Carl's POV Sa ngayon ay hinihintay ko na si Stephanie kung nakakailang hakbang na ako di gaya ng dati na hinahabol niya ako. Sa lift ay sabay kaming pumasok sa loob at kukunti pa lang na mga empleyado ang nakasakayan namin. Lahat ay bumabati sa amin, hindi siya suplada at pinapansin ang lahat na bumabati sa kanya. Sa pang-limang palapag ay huminto ang lift at may pumasok na empleyado na kasama namin sa loob ng lift. "Oh, hi Ma'am Stephanie!" Nakangiting pagbati ni Christian,isa ding empleyado dito sa loob ng gusali. Gwapo siya at mas matanda ng tatlong taon kay Stephanie. Bumati rin siya sa akin na nasa tabi ni Stephanie sa bandang kanan. Binati ko rin siya pabalik. Mabilis kaming nakarating ng pang-eight floor at doon na lumabas si Christian. Magiliw pa itong ngumiti kay Stephanie ba

