Third Person's POV Hindi pa umabot ng isang araw ay nakuha na ni Isagani ang mga impormasyon na nais niyang malaman tungkol sa Alonzo Wellness, Incorporated. Mabilis ang galaw ng kanyang mga tauhan pagdating sa pagkakakitaan lalo pa at pera, pero sa illegal na paraan naman. Napag-alaman niya sa kanyang sources na ang CEO ay ama ng dalaga na ngayon ay nasa Tagaytay. Nagkasakit ang dalaga at kasalukuyang nagpapagaling kaya nakita niya dito sa Tagaytay. Ayon pa sa nabalitaan niya ay may security guard ang dalaga na nagngangalang Carl Villaverde ngunit nasa Manila sa kasalukuyan na ngtatrabaho sa mismong kompanya at hindi kasama ang dalaga. Napangisi si Isagani habang pinagpatuloy ang pagbabasa sa mga nakalap na impormasyon ng kanyang tauhan. Ngayon pa lang ay naglalaro sa utak niya ang

