1 Corinthians 7:9 But if they cannot exercise self-control, they should marry. For it is better to marry than to burn with passion. ***** Stephanie Nagising ako ng may parang may mabigat na katawan na nakadagan sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay mukha ni Carl ang tumambad sa akin. Kunot ang noo ko saka iniisip ang mga nangyari kung bakit ay katabi ko siya ngayon. Napanganga ako at lumaki ang mga mata ng maalala ang mga ginawa namin kagabi. Nagtakip ako ng mukha gamit ang aking malayang kamay. Napakagat ako sa aking labi kasabay ng pag-init ng aking mukha ng nag-sink in sa utak ko ang mainit naming tagpo. Binigay ko ang aking virginity sa lalaking pinakamamahal ko. At isa pa ay engaged na kami. Ang sarap at ang saya sa kalooban ko ang pag-iisa ng katawan namin ni Carl. Hindi

