Stephanie's POV Madaling araw ng lumapag ang eroplanong sinakyan namin mula sa Spain. Dahil nakatulog kami nila Mommy at Daddy sa eroplano ay hindi kami lantang gulay ang itsura. Paglabas namin ng gate ng Manila Airport ay naghihintay ang aming family driver na si Manong Nardo. Agad kaming tinulungan kaya mabilis ang aming galaw na nailagay sa compartment ang aming mga bagahe. Pagkatapos ay agad na pinaandar na ang sasakyan paalis ng airport. "Uuwi tayo ng villa." Saad ni Daddy. "No, Daddy. Pakidaan na lang muna ako sa aking condo unit." Pakiusap ko kay Daddy. "Are you so sure, hija?" "Yes Daddy. Kayang-kaya ko na. I am good." Ani ko "O sige, hija. Narinig naman ni Nardo na iyan kaya ihatid ka namin doon." Sabi ni Daddy at na-miss ko rin naman ang condo unit ko. Pagdating nam

