Carl's POV "Huwag ka na pumunta dito sa hotel Pare, magkikita na lang tayo sa pinakamalapit na bar dito sa hotel na pinag check-in-an ko." "That's better, Pare, tawagan na lang kita mamaya upang ipaalam sa'yo kung aalis na ako dito sa condo unit ko." Binaba ko ang cellphone ko ng ma-confirm ko na si Lorenz. Tinuloy ko ang naudlot kong pagkain. Pinahinga ko muna ang kinain ko ng isang oras bago magpasya ng maligo na. Nakasuot ako ng kulay blue na jogging pants at tinernuhan ko ng puting v-neck T-shirt at puting rubber shoes. Nagsuot ako ng leather jacket na kulay blue saka ko isinuksok sa likod ko ang aking baril na revolver dahil maliit lang ito. Nagsuot din ako ng kulay blue na cap sa ulo. Mabilis akong umalis sa aking condo unit papuntang parking lot. Sumakay ako sa aking sports ca

