PAGKATAPOS nilang magsimba ay dumiretso silang magpapamilya sa Mall. Sa bahay sana nina Mama Lourdes sila de-deretso pero nagyaya si Light na magpunta muna sila sa Mall dahil may gusto daw itong bilhin. Wala naman itonf sinabi kung ano ang bibilin nito pero sumama na lang sila dito. Hawak ni Georgette ang kamay ni Georgina. Samantalang tulak-tulak naman ni Light ang stroller ni Baby Liam habang naglalakad sia sa hallway ng isang Mall. Sinusundan lang naman ni Georgette ang asawa kung saan ito pupunta hanggang sa pumasok sila sa isang Department store. Napatingin siya kay Light ng huminto sila sa isang womans apparel. "May bibilhin ka dito?" Tanong niya sa asawa. Tumingin naman ito kanya. Umiling ito bilang sagot. Akmang magsasalita siya ng mapahinto siya ng unahan siya nito. "Per

