SAMOT-saring emosyon ang nararamdaman ni Georgette ng ma-i-park ng asawa ang sinasakyang kotse nito sa dati nilang bahay sa Cebu. Isinama sila ni Light na umuwi do'n no'ng may kailangan na naman itong ayusin sa opisina. Pumayag naman siya dahil long weekend. Saktong walang pasok ang anak sa eskwelahan. At gusto din naman niyang sumama dahil gusto niyang dalawin din ang puntod ng mahal sa buhay. Halos limang taon na din kasi siyang hindi nakakadalaw, baka magtampo na ang mga ito sa kanya. Mayamaya ay napatingin siya kay Light nang hawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa kanyang hita at pinisil iyon. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay ngumiti ito. "Let's go?" Yakag na nito sa kanya. Tumango naman siya. Lumabas ito ng kotse at umibis ito sa gawi ng passenger side. Binuksan

