BEWARE: Rated SPG! Not suitable for young readers. LUMABAS si Georgette sa banyo ng matapos siyang maligo. May nakapulupot pang tuwalya sa kanyang ulo. Tumayo naman siya sa harap ng vanity mirror. Pagkatapos niyon ay inalis niya ang tuwala sa ulo niya at pinunasan ang basang buhok gamit iyon. Nasa ganoon siyang posisyon ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok do'n si Light. At mula sa salamin ng vanity niya ay nakita niya na tumingin sa dereksiyon niya ang asawa. Nginitian niya ito ng magtama ang paningin nila mula sa salamin at pinagpatuloy na niya ang pamumunas ng basang buhok niya. Mayamaya ay narinig niya ang mga yabag ni Light hanggang sa maramdaman niya ang presensiya nito sa likod niya. Napatingin siya sa salamin at nakita nga niyang nasa likod niya ito. "Bakit?" Tanong ni

