BITBIT ni Georgette ang isang tray na naglalaman ng juice at pizza ng lumabas siya ng bahay. Dumiretso siya sa may pool area kung saan niya iniwan ang mag-ama niya ng kumuha siya ng meryenda sa loob ng bahay. Ipinatong niya ang hawak na tray sa table at umupo siya sa chair na naroon sa gilid ng pool. Pagkatapos niyon ay pinagmasdan niya ang mag-ama niya na nasa swimming pool. Nakalusong ang mga ito sa tubig habang tinuturuan ng asawa ang anak na lumangoy. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan niya ang dalawa. Lalo na kapag naririnig niya ang matinis na tawa nang anak kapag lumulubog ito kapag sinusubukan nitong lumangoy. Mabilis naman itong inaahon ni Light para hindi ito tuluyang lumubog sa tubig. "Light, Georgie!" Tawag niya sa mag-ama

